Advertisers
IMBES food pack, kabaong ang ipinamimigay ng lokal na pamahalaan ng Angeles, Pampanga sa mga mahihirap nitong residente.
Halagang P10,000 ang kabaong na ipinamimigay ng libre sa mga mahihirap na pamilya.
“It may sound unusual, but this is the reality. May mga kababayan po tayo na humaharap sa pagsubok na walang perang pampalibing o pambili ng kabaong para sa namatay nilang mahal sa buhay,” pahayag ni Angeles Mayor Carmelo Lazatin Jr.
Kabilang sa requirements upang makalibre ng kabaong ang death certificate, barangay certificate of indigency at referral letter mula sa City Social Welfare and Development Office.