Advertisers

Advertisers

5 PATAY, 4 SUGATAN SA BAKBAKAN SA COTABATO

0 212

Advertisers

TODAS ang limang armadong kalalakihan at apat ang sugatan kabilang ang tatlong pulis sa sagupaan sa isang remote village sa Cotabato.

Ayon kay Police Brig. General Alexander Tagum, Soccsksargen Police director, bineripika ng police officers at mga sundalo ang mga nakaw na sasakyan sa isang compound na pinatatakbo ng isang sindikato sa Barangay Gukotan.

Pagdating ng mga awtoridad sa lugar, agad silang pinaulanan ng bala at nagkabakbakan na nagtagal ng hanggang isang oras.



Kinilala ang mga nasawi na sina Badrudin Masulot Dalid, Arbaya Dalid Panizares, Asraf Dalid Masulot, at Bunta Kabantu.

Nasamsam sa lugar ang 440 assorted motorcycles; 2 M60 machineguns; B40 rocket-propelled grenade launchers; M14 rifle; M203 rifle fitted na may grenade launcher; 3 M16 rifles; vintage .30-caliber carbine rifle; dalawang .38 caliber revolvers; at panggawa ng bomba.

Boluntaryo namang isinuko ni Muhidin Dalaganon Mantok ang kanyang sarili sa mga awtoridad.