Advertisers

Advertisers

Killer ng dating Bgy. kapitan sa Bulacan timbog

0 627

Advertisers

NADAKIP sa hot-pursuit operation ng mga awtoridad ang responsable sa pagpatay sa dating chairman ng Barangay. San Jose, Hagonoy, Bulacan.

Sa inisyal na report ni Police Major Dennis Reburiano kay acting PNP Provincial Director Colonel Manuel Lukban Jr., kinilala ang salarin na si Ronwaldo Caso, 43 anyos, ng Purok-4, Brgy. San Jose.

Sa inisyal na imbestiga-syon ni Lt. Leonardo Surio, 3:00 ng hapon nang madakip si Aguinaldo sa pinagtataguan nitong safehouse sa Brgy. Bernardo, Cabanatuan City, Nueva Ecija.



Si Caso ang itinuturong pumatay sa 87- anyos na dating kapitan del barrio na si Lolo Romeo Eligio, na pinag-nakawan ng alahas at pera bago pinaslang at ikinasugat ni Joseph Eligio, 39, nito lamang Disyembre 27, 2021 alas-11:20 ng gabi sa Purok 4.

Nadakip si Aguinaldo sa tulong ng mga concern citizen sa nabangit na syudad.
Kasong Robbery with Homicide ang kakaharapin ni Aguinaldo na kasalukuyang nakakulong sa Hagonoy Municipal Jail.(Thony D. Arcenal)