Advertisers
ANG huling kabanata ng paghahari-harian ng Communist Party of the Philippines – New People’s Army – National Democratic Front’s (CPP-NPA-NDF) ay nalalapit na, matapos magdeklara ang halos lahat na ng local government units (LGUs) na persona non grata na sa kani-kanilang lugar ang mga komunistang-terorista.
Ito ang inihayag sa lingguhang ‘virtual’ na balitaan ng National Task Force to End Local Communists Armed Conflict (NTF-ELCAC), ni Interior and Local Government Asst. Dir. Rene Valera na nagsabing 74 sa 81 probinsiya ay nakapag-pasa na ng mga resoluyon na persona non grata na ang mga CPP-NPA-NDF sa kanilang mga lugar.
Sabi ni Valera ang mga nagpasa na ng resoluyon ay umabot na 26,353 barangays, 1,436 munisipalidad at 110 siyudad sa buong bansa.
Si Valera na kinatawan din ng NTF-ELCAC para sa Local Government Empowerment Cluster, Basic Services Cluster, at Local Peace Engagement Cluster at maging ng Barangay Development Program (BDP) ay naghayag din na 74 na probinsiya ay nabigyan na ng ‘orientations’ para sa pagproseso ng BDP, na nakalaan sa 1,406 mga barangay para sa 2022.
Idinagdag pa ni Valera 1,403 barangays na ang dumaan sa barangay development planning upang tukuyin ng mga komunidad ang kanilang nais na paglagakan ng pondo ng BDP.
“Convergence initiatives like pulong-pulong with local ELCAC task force, local peace builders dialogue,” ang mga naisagawa na ayon sa opisyal upang ang mga residente ng mga barangay ay makapamuhay na ng maayos kahit wala ng mga CPP-NPA-NDF sa kanilang mga lugar.
Si Navy Capt. Ferdinand Buscato, Executive Director ng Task Force Balik Loob ng NTF-ELCAC ay iniulat naman ang kabuuang 20,579 mga dating rebelde ang mga nagsisuko na.
Sa nasabing bilang, 827 ay mga nagsisuko noon pang 2016; 741 naman sa taong 2017; 7,719 noong 2018; 2,638 noong 2019; 2,080 noong 2020; at 6,175 ngayong taon ng 2021.
Iniulat din ni Buscato, na ang NTF-ELCAC ay nakapag-asiste na sa 25,942 mga dating rebelde na nakapagtapos ng I at ibang mga kurso ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) upang palakasin ang kanilang mga kapasidad sa pagbabalik bilang mamayang muli ng mga komunidad.
to increase their capability of returning to normal lives and commune again with the society.
“Ang pagkakaiba ng bilang ay dahil maging ang mga kaanak ng mga dating rebelde ay napag-aral din,” ang paliwanag ni Buscato.
Katunayan aniya ay may 4,865 ba mga dating rebelde ay mayroon ng mga trabaho ng dahil sa TESDA.
Si Buscato, na kinatawan din ng NTF-ELCAC E-Clip (Enhanced Comprehensive Local Integration Program) at Amnesty Cluster ay nagsabi rin na lahat ng ahensiya ng pamahalaan ba kasapi sa task force ay malaki rin ang naibahaging tulong sa mga dating rebelde.
Gaya ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), ay nakapagbigay na ng mga social protection at psychological na tulong para 13,085 dating rebelde, samantalang ang Department of Labor and Employment (DOLE) ay natulungan din 3,229 iba pa. 7,321 saan mga dating rebelde ay naisali sa TUPAD (Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers).
Dagdag pa ng opisyal, ang Department of Trade and Industry (DTI) nakatulong din sa 3,513 mga dating rebelde. At ang Department of Interior and Local Government (DILG) ay naka-asikaso sa 6,171 iba pa.
Ang NTF-ELCAC nga daw kasama ang lahat ng ahensiya ng pamahalaan ay nakagasta na sa ilalim ng “whole-of-nation-approach” na isinilong ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng halagang P92.460 milyong piso mula noon 2018 hanggang 2021 para sa mga dating rebeldeng nagsisuko na.
623 dating rebelden rin, ay naglilingkod na sa Armed Forces of the Philippines (AFP) bilang mga Civilian Armed Auxiliary. At 192 naman ay nasa Philippines National Police (PNP) na bilang Non-Uniform Personnel (NUP).
Ang natitirang mga sumukong rebelde ay pinagsama-sama naman upang bumuo ng mga people’s organizations at mga kooperatiba upang gumanda rin ang mga kalagayan sa buhay. 226 sa kanila ay nabigyan din ng pabahay ngayon lamang taon.
Ang Land Bank of the Philippines naman ay nakapag-pautang na 15 dating rebelde na nais magnegosyo.
Samantala, si TESDA Cluster Secretariat Head, Director Glenn Murphy, at NTF-ELCAC Poverty Reduction, Livelihood and Employment Cluster, ay nag-ulat na 802 barangay na sa 822 naka-programang tatanggap ng BDP sa 2021 ay 97 porsiyento nang makamit ang target. At 721 barangay naman ay nasa 85 percent nang matatapos dahil sa BDP.
Ang mga proyekto nito ay gaya ng solar power installations para sa elektrisidad at patubig sa mga komunidad, pagtatayo ng mga “bagsakan” o ‘food hubs’ at skills training para sa construction at agriculture.
Ang tatlong opisyal ng NTF-ELCAC Cluster ay iisa ang nasabi, na ipagpapatuloy ng task force ang naipangakong mga tulong sa mga barangay na napeste ng mga komunistang-terorista kahit binawasan na ng mga mambabatas ang budget nito para sa 2022.