Advertisers

Advertisers

Ex-mayor sa Pangasinan pinatay ng dating driver

0 499

Advertisers

BUMULAGTA ang dating mayor ng Anda, Pangasinan nang barilin ng kanyang dating driver nitong araw ng bagong taon.

Kinilala ang biktima na si ex-Mayor Aldrin Cerdan, 50 anyos.

Ayon sa ulat, nagpapahinga sa kanyang farm si Cerdan ng dumating ang salarin na nakilalang si William Cagampan sakay ng isang motorsiklo.



Nagkaroon umano ng pagtatalo ang dalawa bago barilin ni Cagampan ang dati niyang amo.

Binawian ng buhay sa pagamutan si Cerdan.

Nakatakas si Cagampan matapos ang krimen pero nadakip din ito sa Barangay Tondol.

Sa inisyal na imbestigasyon, nakainom si Cagampan at hinihingian ng pera si Cerdan bago sila nagtalo.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">