Advertisers

Advertisers

‘Online sabong’ rason sa pagkatay sa estudyanteng bagets sa Manila

0 277

Advertisers

PAGLUSTAY ng pera dahil sa pagkalulong sa online sabong ang anggulo na tinututukan ng Manila Police District (MPD) sa karumal-dumal na pagpatay sa isang estudyante na pinutol-putol ang katawan ng salarin na bading na lover nito sa Tondo, Maynila.

Disyembre 30 nang matagpuan ang katawan na hinati-hati sa limang piraso ng biktimang si Rusty Dela Cruz, 19 anyos, sa may Barangay Niog 3, Bacoor City, Cavite.

Agad namang nadakip ang salarin na si Dante Reyes, 42, isang negosyante.



“May mga intelligence info na nagamit ng biktima ‘yung perang naipon nitong si Reyes at nalulong ito sa online sabong,” ayon kay MPD Director Brig. General Leo Francisco.

Natukoy si Reyes na siyang salarin nang makita sa CCTV footages na pumarada ang biktima sa tapat ng kaniyang bahay noong Disyembre 29 at sumunod ay nakita na may tatlong puting sako siyang isinasakay sa isang taxi sa may Remigio St., Sta. Cruz, Maynila.

Hapon ng Disyembre 30, tumawag ang Bacoor City Police sa MPD at ipinagbigay-alam ang isang bangkay ng lalaki na hinati-hati sa lima at nakasilid sa sako na iniwan sa bakanteng lote sa Brgy. Niog 3.

Pagkatapos nito ay nagkasa na ng manhunt operation ang mga tauhan ng MPD at natimbog si Reyes sa may Mel Lopez Blvd., sa panulukan ng Zaragosa St., Pier 4, Brgy. 20, Tondo.

Biniberepika ng mga pulis na may relasyon ang biktima at ang salarin na umano’y isang bakla.



Nahaharap si Reyes sa kasong murder sa Prosecutor’s Office ng Maynila.