Advertisers

Advertisers

Tanker truck tinangay, kargang P900K pertolyo simot

0 244

Advertisers

Batangas City, Batangas- Natagpuan na ng mga operatiba ng Batangas City Police ang nawawalang truck na may kargang petrolyo nitong nakalipas na Sabado sa national highway ng Barangay Mahabang Parang dito sa lungsod.

Sa ulat ng pulisya, nagpunta sa kanilang tanggapan ang isang Lito Teves, nasa hustong gulang, general manager ng Maxi Fuels gasoline station sa Diversion Road, Brgy. Bolbok sa lungsod, at iniulat ang pagkawala ng kanilang gasoline truck na nakaparada malapit sa kanilang gasolinahan noong Sabado, Enero 1, 2022.

Ang naturang truck ay ipinarada ng driver nitong si Francis Duarte noong Biyernes, Disyembre 31, 2021, bandang 1:00 ng hapon.



Sa pamamagitan ng GPS na nakakabit sa truck, na-detect ito na nasa lugar lamang ng Batangas City. At nang makita ay wala na itong lamang petrolyo na nagkakahalaga P900,000.00.

Hinahanap pa ng pulisya ang tumangay sa truck at ang mga lumimas sa laman nitong petrolyo. (Koi Laura)