Advertisers

Advertisers

Dalagita ni-rape at pinatay sa CamSur

0 501

Advertisers

NAGA CITY – Isang dalagita ang ginahasa at pinatay sa Dalupaon, Pasacao, Camarines Sur.

Sa ulat, pinatay ang biktima gamit ang kabra matapos halayin sa tinutuluyang bahay nito sa kaniyang tiyahin sa nasabing bayan.

Ayon kay Police Lt .Maria Victoria Regonaos, ang Deputy Chief of Police ng Pasacao Municipal Police Station, masaya pang sinalubong ng biktima ang bagong taon sa kanilang lugar.



Nang makauwi na ang dalagita, madaling araw ng Enero 1, 2022, habang mag-isa sa kanilang bahay, pinasok ito ng salarin at dito na ginawa ang krimen.

Sa ulat, 4:00 ng hapon nang madiskubreng wala nang buhay ang biktima na may tama sa ulo at wala naring saplot pang-ibaba.

Hindi pa matukoy ang salarin sa krimen pero may mga tinitingnan ng persons of interest ang mga awtoridad.