Advertisers
NASA siyamnapu’t tatlong porsyento (93%) ng mga nasawi dahil sa covid-19 noong 2021 ang mga pasyenteng hindi nabakunahan laban sa sakit.
Sinabi ni Department of Health Undersecretary Leopoldo Vega, batay ito sa datos mula Marso hanggang Disyembre noong nakaraang taon.
Ayon kay Vega, 80% rin sa mga naospital dahil sa covid-19 ay hindi bakunado.
Samantala, target ng gobyerno na mabakunahan ang 77 milyong indibidwal bago mag-halalan sa Mayo.