Advertisers

Advertisers

“Mang Boy” na retired police viral sa socmed

0 1,733

Advertisers

VIRAL ngayon sa social media ang retiradong pulis na si “Mang Boy” nang maglabas ng itak sa kanyang mga kapitbahay dahil sa tugtog ng videoke noong araw ng bagong taon.

Bagama’t burado na ang orihinal na post ng mismong kumuha ng video, pinakalat na ito ng iba pang Facebook at TikTok user.

Sa video, makikita at maririnig ang pakikipagtalo ng babaeng uploader habang nasa gitna sila ng inuman sa kapitbahay nila na si Mang Boy, na may hawak na mahabang itak.



Batay sa video, pinatitigil ni Mang Boy ang tugtugan dahil maingay, ngunit nakiusap naman ang mga nasa video na unawain sila sapagka’t bagong taon naman.

Makikita rin kung paano nanggigil si Mang Boy. Hinawakan pa nito ang isa sa mga nasa inuman bago tagain ang isang speaker.

Pinag-initan din ng isa sa mga kasama ni Mang Boy ang babaeng nagbi-video.

Kaya naging pulutan ng mga netizen at memes si Mang Boy.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">