Advertisers
UMAABOT na ngayon sa halos 57,000 ang mga aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ito’y matapos na makapagtala pa ang Department of Health (DOH) ng 17,220 bagong kaso ng COVID-19 nitong Huwebes, Enero 6.
Batay sa case bulletin #663, nabatid na umaabot na ngayon sa 2,888,917 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa Pilipinas.
Sa naturang bilang, 2.0% pa o 56,561 ang aktibong kaso o nagpapagaling pa mula sa karamdaman.
Sa mga aktibong kaso, 49,988 ang mild cases; 2,954 ang moderate cases; 1,837 ang asymptomatic; 1,470 ang severe cases; at 312 ang kritikal.
Nakapagtala rin naman ang DOH ng 616 bagong gumaling sa sakit, sanhi upang umabot na sa 2,780,613 ang total COVID-19 recoveries sa bansa o 96.3% ng total cases.
Nasa 81 naman ang iniulat na namatay sa karamdaman nitong Huwebes, ngunit anim lamang sa mga ito ang binawian ng buhay nitong Enero 2022 habang ang iba pa ay namatay naman noon pang nakaraang taon.
Sa ngayon, ang Pilipinas ay nakapagtala na ng 51,743 total COVID-19 deaths o 1.79% ng total cases. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)