Advertisers

Advertisers

Pagdedeklara ng Martial Law dahil sa pagtaas ng covid case, fake news! – Sec. Lorenzana

0 379

Advertisers

ITINANGGI ni Defense Sec. Delfin Lorenzana ang planong pagdedeklara ng Martial Law upang matugunan ang pagtaas ng bilang ng mga kaso ng coronavirus diseases 19 (Covid-19).

Ito’y kaugnay ng kumalat na report sa social media sanhi ng muling paglobo ng mga kaso ng covid-19.

Ayon kay Lorenzana, wala umanong sapat na dahilan upang magdeklara at isailalim sa Martial Law ang buong bansa.



“Not true. Fake news. Definitely out of the picture. There is no compelling reason to declare martial law,” saad ni Lorenzana.

Kaugnay nito, sinabi ni Lorenzana na ang naitalang 17,220 kaso ng covid-19 ay mas mababa kumpara sa 26,000 kasong naitala noong 2021.

Aniya, sa kabila ng mabilis na pagtaas ng bilang ng kaso sanhi ng Omicron coronavirus variant hindi ito kasing bagsik ng Delta variant.

Inihayag din ni Lorenzana na patuloy ang isinasagawang evaluation ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infection Diseases upang pag-aralan kung ano ang mga ipapatupad na mga restrictions sa Metro Manila.

“But not total lockdown,” giit ni Lorenzana.



Sa pinakahuling datos ng Department of Health (DOH) umakyat na sa 56,561 ang aktibong kaso ng covid sa bansa. (Mark Obleada)