Advertisers
MIDSAYAP, Cotabato – Patay ang isang notoryus na tulak ng droga nang manlaban sa drug buy bust operation dito nitong Biyernes ng umaga.
Kinilala ang namatay na si Jacky Guimba alyas “Datu” 23 anyos, ng Pamalian Shariff Saydona Mustapha, Maguindanao.
Batay sa report ng pinagsamang operasyon ng PDEA Cotabato Provincial Office, PDEA Sarangani Provincial Office, Midsayap MPS at 34th, 4:30 ng hapon isinagawa ang operasyon sa Purok Saranay 2, Brgy. Salunayan, Midsayap.
Ayon sa pulisya, nakatunog si Guimba na pulis ang ka-transaksyon kaya’t pinutukan nito ang pulis na masuwerteng hindi tinamaan.
Nakaganti ng mga putok ang kasamahan ng poseur buyer na pulis at nasawi ang tulak.
Nakuha mula kay Guimba 10 pakete ng shabu at may bigat na 500 gramo at nagkakahalaga ng P3.4 milyon.
Narekober rin sa suspek ang buy-bust money, cellphone, motorsiklo at .45 kalibre na baril na may mga bala.
Sa report, isa ang suspek sa mga listahan ng High Value Target. Ito umano ang nagsusuplay ng droga sa iba’t ibang lugar sa Cotabato. (Mark Obleada)