Advertisers

Advertisers

1 patay sa iniwang bomba

0 313

Advertisers

ISANG Improvise Explosive Device (IED) ang sumabog na ikinasawi ng isang babae sa Barangay Benembengan, Sumisip Municipality, Basilan Province, nitong Miyerkoles ng umaga.

Kinilala ang nasawi sa pagsabog na si Junayra Saad, 47, at residente ng nasabing lugar.

Ayon kay OIC PMaj. Faisal A. Tandico, naglalakad ang biktima patungo sa isang creek malapit sa kanilang bahay upang maligo ng aksidenteng maapakan ang isang tali na siyang kumukunekta sa iniwang bomba sa lugar.



Dead on the spot si Junayra nang magtamo ng maraming sugat sa katawan dahil sa pagsabog.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ng PNP-EOD sa sumabog na bomba sa lugar.

Inaalam din ng mga ito kung sino ang nag-iwan ng bomba sa lugar.