Advertisers

Advertisers

Ilang health workers sa Oriental Mindoro Prov’l Hospital, umangal sa benepisyo nila at sweldong ‘delay’

0 228

Advertisers

NAGSUSUMAMO ang ilang health workers ng Oriental Mindoro Provincial Hospital o OMPH sa diumanoy hindi sapat ang tulong at benepisyong kanilang natatanggap mula sa pamahalaang panlalawigan na pinamumunuan ni Governor Humerlito “Bonz’ Dolor.

Anila, imbis na solusyonan ng provincial government ang problema sa pagkaubos ng maraming doctor, health staff maging ang problema sa kanilang sahod na laging ‘delay’ ay lalo lamang lumalala ang kanilang sitwasyon bunsod ng panibagong kaso ng covid-19 sa bansa.

Nabatid ng BALYADOR, na maraming bilang ng health care workers na ang tinamaan ng covid-19 mula sa nasabing pampublikong ospital na posibleng lumagpak ang health care system ng probinsiya kung hindi mararamdaman ng mga medical frontliner ang pagpapahalaga at pangangalaga ng provincial government.



Matatandaang marami na ang nag-resign matapos madismaya sa kakulangan ng mga benepisyo at hindi patas na pagtrato sa mga empleyado, nurse at doktor.

Dahil dito, nanawagan ang ilang health workers na gawing regular ang mga contractual health workers na isa sa mga tumutulong upang puksain ang covid-19.

***

Bukod dyan, delayed na rin umano ang renewal ng kontrata at pagbibigay ng sahod, kung kayat hindi na pumasok sa kani-kanilang trabaho ang ilang mga laboratory workers ng OMPH.

Ayon sa isang source, ang mga medical technologists ng naturang ospital ay hindi na pumasok bilang protesta sa delayed na release ng kanilang sahod at pag renew ng kontrata nila sa pamahalaang panlalawigan.



Sinabi din ng source na alam umano ni OMPH acting chief Dr. Dante Nuestro na hindi bababa sa 18 medical technologists ang hindi pumasok sa trabaho.

Dagdag pa ng source, karamihan sa mga staff ng OMPH ay nasa ilalim ng contract of service sa Oriental Mindoro provincial government.

Napag-alaman din ng BALYADOR na may liham na ipinadala sa office of the governor ang mga health workers na humihiling ng pagpapalawig ng kanilang kontrata mula tatlong buwan ay gagawing anim na buwan, pagtataas sa kanilang sahod at pagbibigay ng hazard pay o iba pang benepisyo.

Ilang health workers na rin umano ang nagbabalak na magkilos protesta hingil sa mga delay na sweldo at mga benepisyong hindi pa naibigay sa kanila na sinasabing lumipas nalang ang PASKO, BAGONG TAON at 3-KINGS, ay nganga!

Samantala, mistulang wala umanong silbi ang mga programa ng provincial government na

“Sampu mo, sagot ko”, at “No Billing balance”- program, dahil tuwing lalabas na pasyente sa ospital ay palaging mayroong promisory note? hehehe!

Habang sinusulat natin ang reklamong ito, pilit nating tinatawagan ang tanggapan ng gobernador para sa kanilang panig subalit hindi ito makontak?

Subaybayan natin!

***

Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon mag-email lang sa balyador69@gmail.com.
Ugaliing makinig sa programang “BALYADOR” at “WALANG PERSONALAN TRABAHO LANG” mula lunes hanggang linggo 11:00am-12:00noon sa RADYO NG MASA entertainment net radio. tuwing sabado at linggo 12:00nn-12:30pm sa DWBL 1242 kHz am band, tuwing martes 9:30am RADYO NATIN 105.3 FM Pinamalayan,10:00am RADYO NATIN 102.9 FM Victoria, tuwing biyernes 9;00-10;00am 98.9 FM RADYO NATIN Roxas at tuwing huwebes 9:00-10:00am sa 96.9 FM RADYO NATIN Calapan City. Mapapanood live streaming at Youtube chanel.