Advertisers

Advertisers

Delikado si BBM

0 417

Advertisers

WALA halos tumatangkilik kay BBM. Kahit siya ang may pinakatamataas na rating sa mga nakalipas na survey, hindi tinatangkilik si BBM ng mga may kalibreng tao , malinis ang record, at walang bahid ng dungis, karahasan, at korapsyon ang pangalan. Maliban sa mga kamukha na walang saysay ang buhay, pipitsugin at patapon, at nakinabang sa diktadura ng kanyang ama, hindi sinusuportahan ang kanyang kandidatura. Napakatindi ng batikos ang inaabot ni BBM mula sa halos lahat ng uri ng mga tao.

Masyadong maaga narating ang tugatog ng kanyang kandidatura. Maaga ang “peak,” o tuktok ng kanyang kampanya.Mukhang hindi umuunlad dahil wala siyang maiharap na matinding dahilan upang pahalagahan ang kanyang kandidatura. Kung ihahambing si BBM sa mangga, katulad ito sa manggang kinalburo. Hinog sa pilit kaya maasim. Walang nakikita na kinabukasan sa kanyang kandidatura. Nahaharap ang bansa sa mas maraming problema – manalo o matalo.

Labis na mahahati ang bansa sa kandidatura ni BBM. Kung sakaling manalo, hindi kikilalanin ang kanyang panalo upang pagbuklurin ang bansa. Masyadong malalim ang sugat na iniwan ng diktadura ng kanyang ama, upang maniwala na pagkakaisahin niya ang bansa. Hindi magiging mabuti at mabisa na pangulo si BBM. Sa umpisa, lumpong pato na siya. Patuloy na hihingin ng sambayanan na ibalik ng kanyang pamilya ang ninakaw na yaman mula sa kabang bayan.



Nahaharap ang kanyang kandidatura sa DQ (disqualification) Bagaman sa ika-17 ng Enero ibaba ng Comelec ang desisyon sa mga petisyon ng DQ dahil napatunayan siya ng hukuman na hindi nagbabayad ng buwis, matindi ang perwisyo ng mga petisyon kontra sa kanyang kandidatura. Hindi siya matatahimik s panahon ng kampanya. Isa ito sa mga isyu na bubuliglig sa kanya.

Samantala, matindi ang paghahanda ng kanyang mga kalaban. Wala siyang maiharap laban sa kanila maliban ang paninira ng troll army ni BBM kay Leni Robredo, ang pinakamahigpit na kalaban. Itinuturing ng kampo ni BBM na hindi kasali sina Isko Domagoso, Manny Pacquiao, at Ping Lacson. Sa huli, si Leni at BBM ang pinakamahigpit na magkatunggali. Kumpiyansa si Leni na tatalunin niya si BBM dahil tinalo na ang huli noong 2016.

***

May isinulat ako na sanaysay. Pakibasa:

BAKIT MAHAL ANG PRESYO NG
MGA BILIHIN SA BANSA?

KAPAG tumataas ang halaga ng mga bilihin, lalo na ang pagkain, madalas ibintang sa pagtaas ng presyo ng krudong langis sa pamilihang pandaigdig.Kapag tumaas ang presyo ng krudo, tataas ang presyo ng gasolina at sunod-sunod na ang pagtaas ng ibang kalakal tulad ng pagkain, at iba pa. Wala tayong magawa kundi tanggapin ang pagtaas ng presyo ng bilihin at animo’y ipinataw ng gobyerno dahil sa mga maling patakaran, alituntunin, at polisiya.



Ngunit isa lamang ang pagtaas ng presyo ng krudo sa mga dahilan sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin, kasama ang pagkain. Malaking dahilan ang maling polisiya ng gobyerno. Dahil sa kakulangan ng kakayahan magpatakbo ng gobyerno, may mga polisiya na ipinapataw na nauuwi kadalasan sa walang habas na pagtaas ng halaga ng mga bilihin.

Kasama na ang mga buwis at paggamit ng mga pasilidad ng gobyerno upang dalhin ang mga produkto mula sa mga taniman sa mga lalawigan, kasama na ang mga probinsiya sa Mindanao at Kabisayaan. Alam ba ninyo na isa sa mga dahilan kung bakit tumataas ang halaga ng mga bilihin ang pagtaas ng bayad sa paggamit ng mga pantalan na pinapatakbo ng gobyerno?

Isang korporasyon na pag-aari at kontrolado ng gobyerno ang Philippine Ports Authority (PPA). May kapangyarihan ang PPA na pangasiwaan at pangalagaan ang mahigit 100 pantalan sa buong Filipinas. Ginagamit naman ang mga pantalan sa kalakalan. Dinadala ang mga kalakal ng mga barko at iba pang sasakyang pandagat sa iba’t-ibang panig na bansa at maging sa ibang bansa.

Kung wala ang mga pantalan, hindi gagalaw ang mga produkto at mabubulok lamang. Upang masiguro ang paggalaw ng mga kalakal, pinangangasiwaan ng maayos ng PPA ang mga pantalan na tulad ng Manila International Container Port, Manila South Harbor, Manila North Harbor, Sasa Wharf sa Davao City, Pulupandan Port sa Bacolod City, Iloilo Port sa Iloilo City, at marami pa. Nagbabayad naman ng service fee ang mga gumagamit ng pantalan.

May kapangyarihan ang PPA na magtakda ng halaga ng service fee sa mga shipper tulad ng mga kompanya ng barko. Itinakda ito ng presidential decree ng diktador Ferdinand Marcos na nagtayo sa PPA. gunit ano ang nangyayari sa PPA?

Sa pananaw ng ilang mambabatas ay may hindi tama ang biglang pagtaas ng mga service fee na kinokolekta ng mga concessionaire sa Philippine Ports Authority (PPA). Dahil sa sobrang taas, ipinapasa tuloy ng mga shipper ang sobrang taas sa mga mamimili. Lalong tataas ang mga presyo ng halos lahat ng bililhin. Sinasagot ng taong bayan ang pagtaas

Hindi tama ang dagdag na pahirap sa sambayanan sa kalagitnaan ng pandemya, ayon sa tatlong mambabatas.

Ayon kay Senador Risa Hontiveros ng Akbayan Party List, ginigipit ng PPA ang mga dating concessionaire para makapasok ang mga bago at mas malaking mga negosyante sa mga pantalan. Dahil dito, libo libo ang mawawalan ng hanap buhay. Ang mga bagong concessionaire ang naniningil ng mas malaking port fees, dagdag ni Hontiveros.

Sinabi ni Senator Kiko Pangilinan na dahil sa sobrang laki ang mga taripa ng mga bagong contractor sa loob ng PPA. Dahil dito, walang magagawa ang mga negosyanteng dumadaan sa PPA kung hindi ipasa sa mga mamimili ang dagdag na bayad. Sobrang pabigat ito sa taong bayad, ani Pangilinan.

Para kay Rep. Alfonso Umali ng Oriental Mindoro, ang pag award ng PPA ng concessions sa mga bagong bidder ay may halong korapsyon.

Hiniling ni Umali na pag-aralan ng Kamara de Representante ang mga bagong patakaran ng PPA na pumapabor sa mga malalaking kompanya. Dahil dito, ang mga maliliit na concessionaire na matagal nang nagbibigay ng serbisyo sa loob ng mga pantalan and naipit, at napilitan magsara.

Sinabi ni PPA general manager na si Jay Daniel Santiago na ang pagtaas ng mga serbisyo ng mga concessionaire sa mga pantalan ay para sa ikabubuti ng gobyerno dahil lalaki ang kita ng PPA. Malaking tulong ito sa gobyeno na gipit ngayon dahil sa sobrang laking gastos para sugpuin ang pandemya.

Noong Marso ng 2020, sinabi ni Santiago na hindi sya sang-ayon sa pagtaas ng mga buwis at iba’t ibang fees na sinisingil ng PPA, ngunit matapos ang isang taon, pinirmahan niya ang tinatawag na “Port Terminal Management Regulatory Framework,” na naging dahilan sa pagtaas ng kinokolekta sa mga concessionaire sa loob ng pantalan na hawak ng PPA.

Ang ibang fees ay mahigit triple sa dating binabayaran ng mga negosyante na nagpapasok ng iba’t ibang bilihin sa mga pantalan ng PPA.

***

MGA PILING SALITA: “Do you want a convict to be the next president of this country?” – Antonio Carpio, retiradong mahistrado

“BBM supporters, in a display of madness, have warned of people power if he gets disqualified. Do they know people power?” – PL, netizen

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More