Advertisers

Advertisers

‘Talunin si BBM sa eleksyon’

0 45

Advertisers

ITO ang sagot ni Presidential aspirant Vice President Leni Robredo nang tanungin ng broadcast journalist na si Pia Hontiveros sa News Night ng CNN Philippines tungkol sa petition for cancelation laban sa kandidatura ni Bongbong Marcos Jr.

“Ako, Pia, ayokong mag-comment doon sa disqualification case. But if you were to ask me, mas gusto natin talunin natin siya sa eleksiyon para matapos na ito,” diin ni VP Leni.

Maaalala na nagsampa ng electoral protest si BBM noong 2016 nang talunin ni Robredo ng higit 263K votes.

Simula noon ipinakalat ng kampo ni BBM sa pamamagitan ng kanilang keyboard warriors o trolls na si Robredo ay pekeng VP, na nandaya lamang ito sa halalan.

Sa kanyang election protest, ibinasura ito ng Korte Suprema noong Pebrero 2021. That means walang dayaang nangyari noong 2016 presidential election.

Pero nalason na ng trolls sa social media ng kampo ni Marcos ang isipan ng mamamayan, na naniwalang dinaya nga si Marcos sa nasabing halalan. Ang bagay na ito ang rason kung bakit mataas ang rating ngayon ni BBM sa mga survey.

“So kailangan talagang talunin siya sa susunod na eleksyon para once and for all mahinto na yung ginagawa nya na pagpapaniwala sa tao nung narrative na gusto niyang i-push,” diin ni Robredo.

Si Marcos ay kasalukuyang malaki ang lamang sa mga survey laban kay Robredo.

Pero may malaking problema si BBM, ang mga petition sa ComElec laban sa kanyang kandidatura. Ito’y tungkol sa kanyang conviction sa hindi pagbayad ng tax sa loob ng apat na taon simula 1982 hanggang 1985 noong gobernador siya ng Ilocos Norte.

Sabi ng ComElec, ibababa nila ang desisyon sa Enero 17, bago ang printing ng balota. Kaabang-abang ito.

Sakali namang ma-disqualify si BBM sa kanyang kandidatura, ang maaring pumalit sa kanya ay ang kanyang kamag-anak o kaapilyedo, posible ang kanyang ate na si Senador Imee Marcos, sabi ng kanyang abogado na si Vic Rodriguez.

Abangan!

***

NOONG 2016, suportado ng mga loyalist ni dating Pangulo Fidel Valdez-Ramos ang kandidatura ni noo’y Davao City Mayor Rodrigo Duterte.

In fact, si FVR pa ang naghikayat noon kay Duterte na kumasa sa panguluhan dahil naniwala itong lalo pang mapapaganda ng alkalde ng Davao ang Pilipinas kapag ito na ang nasa Malakanyang.

Pero after one year ng presidency ni Duterte, nagsalita si FVR na nagkamali siya ng pagsuporta kay Duterte dahil ginulo nito ang Pilipinas.

At ngayon, sabi ng mga dating opisyal ni FVR, nagkaisa silang ang susuportahan nilang presidentiable sa May 9 election ay si Vice President Leni Robredo.

Sa isang kalatas, 23 dating opisyal ni FVR ang lumagda para sa pagsuporta kay Robredo. Isa sa mga lumagda ay si Senador Franklin Drilon na dating cabinet official ni FVR.

Si Drilon ay patapos na ang termino bilang Senador at hindi na ito tumakbo sa anumang posisyon. Magreretiro na raw siya sa politika at susuporta nalang sa kandidatong may matinong pag-iisip para makabangon ang Pilipinas sa pagkalugmok sa napakalaking utang at maibalik sa bansa ang respeto ng ibang bansa matapos sirain ni Duterte.

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More