Advertisers

Advertisers

Robin humihiling ng dasal sa netizens para sa kalusugan ni Kris

0 481

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

PAGKATAPOS ng hiwalayan nina Kris Aquino at ng dating DILG secretary Mel Sarmiento, hindi pa rin tinatantanan ng bashers ang ex-presidential sister.

Katunayan, marami ang nakakapansin sa mabilis na paglaglag ng kalusugan nito, kasama na ang actor na si Robin Padilla na minsan ding na-link sa kanya noong dekada 90.



Sa kanyang Facebook account, nagpahayag si Robin ng pagkabahala sa deteriorating health situation ni Kris.

“Mga mahal kong kababayan. Ako po ay nag- aalala kay Ms. Kris Aquino bilang isang kaibigan, katrabaho at isang Pilipino,” ani Robin.

Nakiusap din siya sa netizens na tigilan na ang pamba-bash dito.

“Nais ko po makiusap sa mga patuloy na bumabanat kay ms Aquino na magpaka makatao muna po kayo. Hindi naman po tayo bulag para makita na may dinaramdam po siya at sa kasalukuyan ay dumaraan sa gamutan,” pagsusumamo niya. “Bigyan po natin ng kapayapaan at tamang pansin lalo ng moral support ang taong May karamdaman,” dugtong niya.

Umapela rin siya na ipagdasal ito anuman ang relihiyon o political stand nito.



“Ano man po ang ating religion o ang ating political affiliations ay ipagpanalangin po natin ang kanyang kalusugan. In shaa Allah,”pagtatapos niya.

***

Vivamax, patuloy ang pag-arangkada

Wala nang makapipigil sa Vivamax sa pag-arangkada bilang nangungunang Pinoy streaming platform sa bansa.

Simula nang ilunsad ito noong Enero 29 noong nakaraang taon, ang Vivamax ay nakapagprodyus na ng 35 original films at series sa platform nito.

Nagbuwena mano rito ang Pornstar ni Darryl Yap na sinundan  ng iba pang titles mula sa iba’t ibang genres tula ng Death of a Girlfriend, Revirginized, The Housemaid, Mahjong Nights, Taya, More Than Blue, at ang sequel na Pornstar 2.

Nakapagprodyus din ito ng dalawang original series na “Parang Kayo Pero Hindi at KPL.

Bukod sa original movies na handog nito, patuloy na nagpapalabas din ang Vivamax ng mga klasikong pelikula mula sa Viva library nito kasama na ang mga iprinodyus ng Star Cinema, Regal Entertainment, 1017P, Reality, IdeaFirst, at Center Stage Productions.

Layunin din ng no. 1 streaming platform ang makapagbigay ng content na makakatrabaho nila ang mga pinakamalaking artista ng puting tabing tulad nina Sharon Cuneta, Sarah Geronimo, Anne Curtis, Bela Padilla, Nadine Lustre, Andrew E., Yassi Pressman, Kim Molina, Jerald Napoles, Dingdong Dantes, Piolo Pascual, Carlo Aquino, Toni at Alex Gonzaga, at maraming pang iba kasama na ang pagpapalabas ng mga obra ng mga pinakamagagaling na director sa bansa tulad nina Brillante Mendoza, Lawrence Fajardo, Roman Perez, Darryl Yap, Joel Lamangan, at Yam Laranas.

Sa taong ito, asahan pang lalago ang kanilang produksyon dahil kada linggo ay target nilang mag-feature ng dalawang orihinal na katha.

Ang Viva ay target magprodyus ng humigit-kumulang na 52 films/series ngayong 2022 na ipalalabas sa kanilang  Vivamax Originals.

Sa pagbubukas muli ng mga sinehan, inihahanda na ng Viva ang pagpapalabas ng walong pelikula para sa theatrical release nito.

Sa kabila ng pandemic, nananatiling committed ang Viva sa matupad ang P1 billion production budget nito kada taon bilang suporta sa local film industry.

Sa Vivamax, ang subscribers ay mag-eenjoy sa malawak na content nito mula sa fresh originals, classic films romantic comedy series, Korean blockbuster at popular Hollywood hits.