Advertisers
Ni ROMMEL GONZALES
MABIGAT ang papel ni Miguel Tanfelix sa fresh episode ng Magpakailanman bilang si Diego Garcia na ipinanganak na walang mga binti at paa at may diperensiya o underdeveloped ang dalawang kamay; paano niya ito pinaghandaan?
Gumamit ba siya ng prosthetics?
“Maraming… prosthetics, yes, marami po akong ginamit na prosthetics, dalawa sa kamay, and meron kaming nilagay na parang green cloth or blue siya, sa aking legs para matakpan siya para sa editing.
“And sa paghahanda ko naman nanood ako ng maraming Tiktok ni Diego Garcia, nakinig ako kung paano magsalita, yung accent ng mga taga-Davao and binasa ko pong maigi yung script.”
Nag-research ba si Miguel tungkol sa mga taong may ganitong kundisyon?
Nakilala ba niya nang personal si Diego?
“Unfortunately hindi ko nakilala si Diego. Meron kami dapat plano na magbi-video call kami para makausap ko siya kahit for just five minutes pero hindi kinaya ng oras namin.
“So ang ginawa ko, actually nasa lock in pa lang ako ng Voltes V nanonood ako ng Tiktok videos niya, tinitingnan ko kung paano siya kumilos, kung paano niya iangat yung sarili niya sa table, kung paano siya magsayaw and kung gaano kasaya, ano’ng meaning ng Tiktok sa kanya habang ginagawa niya.”
December 2020 huling napanood si Miguel sa Magpakailanman at sa Sabado nga, makalipas ang mahigit isang taon ay muli siyang mapapanood sa top-rating Kapuso program ni Ms. Mel Tiangco.
Kaya abangan ang isa na namang natatanging pagganap ni Miguel sa fresh at brand-new episode na “Footless and Fearless: The Diego Garcia Story,” ngayong Sabado, January 15, 8:15 p.m. sa Magpakailanman o #MPK sa GMA.
Kasama rin dito sina Sharmaine Arnaiz bilang Nanay Lyn, Paul Salas bilang Billy Joe, Mike Lloren bilang Tatay Joseph, Sophia Senoron bilang Samantha at Saviour Ramos bilang Cocoy.
Ito ay sa direksyon ni Neal del Rosario, sa panulat ni John Roque at research ni Angel Launo.
***
DAHIL sina Eric Quizon at kapatid niyang si Epy ang magkatuwang na director ng Quizon City na kasama ang kapatid nilang si Vandolph at asawa nitong si Jenny Quizon, tinanong namin si Eric kung mas madali ba o mas mahirap kapag kapatid at hipag ang idinidirehe nila sa isang show o proyekto?
“Sa akin kasi, madali, madali. Ang daddy ko, mahirap idirek,” pagtukoy ni Eric sa ama nilang Comedy King na si Mang Dolphy.
“Kasi it’s difficult to direct a master. I’m not saying that my brothers are not masters, they are masters of their own craft. Ang maganda lang sa mga kapatid ko kasi kumbaga we all look at each other on the same level.
“Kumbaga we meet eye-to-eye. Alam namin kung saan kami magaling, alam namin kung kapag diyan, kay Vandolph ibibigay yung punch kasi magaling si Vandolph sa punch or si Epy sa mga reaction.
“Or ako sa mga sitwasyon, depende.
“So ang sa akin, ang maganda, kaya sa akin madali because we understand each other.
“Ang daddy ko nasabi ko lang na mahirap idirek kasi nga I know at the back of my head that there is something that he really wants.
“Pag nakuha mo naman yung gusto niya then okay.
“Kasi siyempre noon, kumbaga like I’ve said, one in a million si Dolphy!
“Kaya ang hirap, kumbaga ang hirap turuan ang isang maestro!”
Ang gag show nilang Quizon CT ay napapanood tuwing Linggo 8 pm sa EBC Net 25 na tampok din sina Martin Escudero, Bearwin Meily, Gene Padilla, Garry Lim, Tanya, Charuth, at 2020 Miss Universe-Philippines 4th runner-up Billie Hakenson.