Advertisers
WALANG magagawa ang House Prosecution Team kundi dumulog sa Supreme Court sakaling magpasya ang Senate impeachment court na ibasura ang impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte kahit hindi pa nagsasagawa ng paglilitis.
Paliwanag ni House Impeachment Spokesperson Atty. Antonio Audie Bucoy, hindi naman nila basta na lang tatanggapin kung agad na ibabasura ang impeachment ng wala pang trial.
Umaasa naman si Bucoy na hindi hahantong sa ganito ang sitwasyon.
Diin ni Bucoy, sa ngayon ay patuloy silang nananalig sa proseso ng impeachment at umaasang gagampanan ng mga senator-judge ang mandatong ibinigay sa kanila ng konstitusyon at ang sinumpaan nilang tungkulin na gawin kung ano ang tama.
***
Samantala naisumite na ng House Prosecution Team sa Clerk of Court ng Senate Impeachment Court ang reply sa Answer Ad Cautelam ni Vice President Sara Duterte bilang tugon sa naunang summon ng korte. Hinatid ng kinatawan ng prosekusyon ang pleading ng prosekusyon 1:38 ng hapon.
Nasa 37 pahina ang reply ng prosekusyon na sumasagot sa naging tugon ng bise presidente sa summon ukol sa isinampang articles of impeachment ng Kamara.
Nakasaad sa reply ng prosecution team na ang sagot ni VP Duterte sa summon ng impeachment court ay misleading at walang katotohanan.
Mababasa rin sa unang pahina ng reply na false o hindi totoo ang claim ng depensa na walang nakasampang kaso sa impeachment court dahil ibinalik ang articles of impeachment sa Kamara.
***
Suhestiyon at reaksyon tumawag sa 09397177977/09368625001 o di kaya mag email sa balyador69@gmail.com