Advertisers

Advertisers

Higit 10K PDLs, nagtapos ng kolehiyo, HS, elementary sa piitan – BJMP chief Dir. Rivera

0 25

Advertisers

Mahigit sa 10,846 Person Deprived of Liberty (PDL) ang nagtapos ng kolehiyo, high school at elementarya sa loob ng piitan sa programang pang-edukasyon ng Bureau of jail Management and Penology (BJMP).

Samantala, may 85, 183 PDLs naman ang  pinalaya sa pamamagitan ng legal aid at paralegal services, sa pakikipagtulungan ng Supreme Court (SC), Public Attorney’s Office (PAO), Integrated Bar of the Philippines (IBP), at mga law school sa buong bansa.



Ito ang inihayag ni Jail Director Ruel Rivera sa ginanap na ika-34 na anibersaryo ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) nitong Martes, July 2.

Sa kanyang accomplishment report, idinetalye din ni Rivera ang makabuluhang progreso sa jail decongestion, PDL welfare, facility upgrades, at operational efficiency.



 

Aniya, bumababa ang overcrowding at pinalakas ang imprastraktura ng mga piitan.



Kabilang sa mga pangunahing tagumpay na itinampok ay ang patuloy na pagbaba sa antas ng pagsisikip ng pambansang bilangguan, mula 358% noong 2023 hanggang 296% noong 2025. 

Ang pagpapabuti na ito ay naging posible sa pamamagitan ng pinaigting na tulong paralegal at pagtatayo ng mga bagong pasilidad ng kulungan.

Noong nakaraang taon, siyam na gusali ng kulungan ang itinayo, anim na perimeter fences at isang functional area ang natapos, habang 19 perimeter fences at 15 functional area ang kasalukuyang isinasagawa. 

Binigyang-diin din ni Rivera na walang mga overstaying PDL ang nananatili sa mga kulungan na pinamamahalaan ng BJMP.

Bilang bahagi din ng kanilang anti-illegal drug efforts, ang BJMP, kasama ang Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), ay nakakuha ng 230 drug-free jail certifications at 77 drug-cleared facility, habang nagsasagawa ng mahigit 314,819 greyhound operations sa buong bansa.

 

Pinuri ni Rivera ang pagbabantay ng mga jail personnel sa pagpigil sa kontrabandong smuggling

“Kapuri-puri rin ang sipag at husay ng ating mga searchers, gaters, at custodial officers na naka-kumpiska bago maipasok sa ating mga pasilidad,” pahayag ng BJMP chief. (Almar Danguilan/Ernie dela cruz)