Advertisers

Advertisers

HITS SONGS NI MIKE HANOPOL ISASADULA, ANAK NI DULCE BIBIDA

0 18

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

AT 79 years old, healthy at malakas pa rin ang iconic singer na si Mike Hanopol.

Pero dahil kamakailan ay pumanaw ang kapanabayan niyang si Freddie Aguilar, hindi nangimi si Mike na sagutin ang tanong kung may takot ba siyang mamatay.

“Meron. Marami.

“Dapat kasi, pinakikinggan, ginagawa, hindi ini-ignore, kailangang bigyan ng value at importansiya.

“Kasi mahalaga ito, e. Kaya nga ito, maise-share ko sa inyo dahil humaba ang buhay ko, e.

“Dapat wala na ako noong 2021, pandemic. Wala na! Wala na. Pero bakit humaba?

“Kasi unang-una sa lahat, kailangan kumilala tayo. “Pag-aralan natin, alamin natin, pakinggan natin ang naglikha sa atin na hindi tao. Hindi tao.

“Okay lang yang tao na maglikha, Okay lang. Lahat naman talaga tayo, god e. Oo, we are small ‘g’ god. “We are. Small ‘g’ god. Small ‘g’ lang, ha? Hindi capital, hindi. Iba yun.

“Pero yung Creator mismo, mas mataas yun. Kasi, hindi naman tao yun, e. Pero Siya ang naglikha ng lahat, pati iyang hawak mong papel, pati iyang kinakain mo. Okay?

“Yung ginawa na iyan, kinakain niyo ngayon, sino ang may gawa niyan? Tao, di ba? Tao.

“Pero yung raw materials niyan, hindi tao ang gumawa.

“Raw material, saan galing yang plato? Ano ang raw material niyan? Ceramic, bato. Sabihin na nating bato. Ground, Okay. Earth.

Earth, di ba? So, yan ang raw materials niyan.

“Pero bakit naging plato? Sino ang gumawa niyan, Diyos? Tao ang gumawa niyan.

“O, sino ngayon ang mas maganda ang gawa — gawa ng Diyos, o gawa ng tao? Tamo, mahirap sagutin.

“Ganyan ako magsalita, ganoon ako mag-isip. “Pasensiya na kayo, pero hindi ito religion. I am not a pastor. No way, no way! Hindi ako pastor.

“Ako ay common-sense person. Common sense. “Lahat ng kanta ko, common sense. Common sense lang. Di ba?

“We have to be sensible. We have to be logical. “Kailangan reasonable, mayroon tayong rational.

“Rational, logical. Common sense, No. 1 talaga. Kaya No. 1 talaga, be sensible. Common sense, yan, importante.

“So itong mga gamot na ito, gawa na ng tao yan. “Iyan ang iniinom ko ngayon. Ang tawag diyan, stem cell.

“Iyan ngayon ang kumakalat sa buong mundo. “Buong mundo, ha? Stem cell, Sir. Huwag kayong pahuhuli.

“Gusto ninyong humaba, gusto ninyo ng anti-aging? “Kasi lahat ng tao, dadaan sa aging. Aging process.

“Lahat ng tao, walang exception! Lahat dadaan sa aging.

“Kaya merong lumabas, gawa ng tao, anti-aging.

“Seventy-nine years old na ako, Sir. Seventy-nine,” at tumawa si Mike.

Samantala, isasadula sa Jeproks The Musical ang mga awitin ni Mike Hanopol.

Bida dito si David Ezra na anak ng diva na si Dulce.

Mapapanood ang musical play sa November 21-23 sa 27-30, 2025 sa GSIS Theater, J. W. Diokno Blvd., CCP Complex, Pasay City.

Ito ay sa direksyon ni Frannie Zamora (ng Tanghalang Uno Obra), script ni Nicolas Pichay at mula sa produksyon ng The Hammock Production, Inc. ni Johnny Blue.