Advertisers
Ni TIMMY BASIL
MAGANDA pala talaga ang VMX talent na napabalitang nawawala noon na si Karen Lopez.
Nakita ko siya noong isang gabi sa Viva Cafe. Bukod sa maganda na, napaka sexy din nito. Totoo namang nawala siya at hindi ito gimik. Basta may kinalaman sa pag ibig ang kanyang pagkawala.
Ang maganda, maraming realization si Karen sa kanyang ginawang iyon. Alam niya na kapag tuluyan siyang magpaka-alila sa pag ibig, nawawala lahat ang kanyang pinaghirapan sa showbiz.
Sa nakikita ko, okey na okey na si Karen at nang tawagin siya sa stage kasama sina Paula Santos at si Margaret Sison “the missing Karen” ang bansag sa kanya ng host na si Caramel.
Ang 3 ang bumubuo ng VMX Hotties ni Lito de Guzman na ‘nag green na rin ang dollar sign” (tawag ko sa mga singer at artista na kumikita na).
Well, mukhang makakatulong nga kay Karen at sa grupo ang tawag na Missing Karen. Balita ko, susundan ng grupo ang bakas ng Baywalk Bodies pero magdagdag pa siguro sila ng kahit 3 pang miyembro
***
FEMALE VLOGGER NAGHIRAP DAW DAHIL SA SUGAL
KILALANG kilala ang female VLOGGER na ito lalo na sa TikTok at FB dahil kwela naman talaga ang kanyang mga videos.
Lately ay napunta siya sa isa pang app at sugalan pala ang drama doon. Noong una ay pinapatama siya, makikita yun sa kanyang mga videos na nag-encash siya ng panalo.
Ito na ang siste, isang gay vlogger na milyon din ang followers ang nagtsika sa akin na purdoy na raw ngayon ang female vlogger dahil sa sugal. Naibenta na rin daw nito ang kanyang kotse at ilan pang ari-arian
Umuwi na raw ito ng probinsya at doon nagmumukmok hoping na maibalik ang mga nawala sa kanya
Dagdag pa ng aking source, dahil sa sobrang depression, nagpakalbo raw ngayon si female vlogger.
Mahuhulaan kaya ninyo kung sino si female at pati na yung aking source na gay vlogger? Ang makatagna, may gamayng pahlipay gikan Nako (pahiram, Aida Patana).