Advertisers

Advertisers

ACTION PLAN PARA SA KAPAYAPAAN, PAGKAKAISA AT KAUNLARAN KASAMA ANG DSWD

0 47

Advertisers

BIGYAN ko muna ng pagpupugay itong si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Undersecretary Alan Tanjusay dahil sa husay at sipag ng mamang ito sa pakikipagtulungang makatamtan ang kapayapaan at pagkakaisa tungo sa kaunlaran sa ating bayan lalo na sa ating mga kanayunan.

Dangan kasi, kabahagi ang DSWD sa katauhan ni Usec. Tanhusay sa pagsusulong ng National Action Plan for Unity, Peace, and Development (NAP-UPD) for 2025 – 2028 sa pamamagitan naman ng kanyangnkinakatawan ding Peace and Development Group (PDG).

Ang NAP-UPD framework ay naisyu sa pamamagitan ng Memorandum Circular No. 83, s. 2025 mula sa Office of the President (OP) na naka-angkla naman sa National Security Policy 2023–2028 at ng Philippine Development Plan 2023–2028, na parehong nagpapakita ng seryosong ‘commitment’ ng pamahalaan sa mga programang para sa ating nga kababayan tungo sa pabgbansang kapayapaan.

Kasama sa direksiyon nito ang Peace and Development Buong Bansa Mapayapa–National Program Management Office (PDBBM-NPMO) na nakatutok din sa mga lugar ns binubulabog ng insureksiyon.

Ang inisiyatibang ito, ang nsgbibigay ng mga livelihood support, reintegration services, at targeted social protection interventions, para maibsan ang kahirapan sa mga nasabing lugar.

Ang ulat nga ni Usec. Tanjusay, may matibay na silang pakikipag-ugnayan sa mga local goverment units (LGUs) at mga civil society organizations (CSOs) upang malaman ang mga bagay na dapat at kinakailangan ng mga lugar na dati’y kinukubakob ng pagrerebelde o kaguluhan.

Nangako na din ang DSWD official na ang kanilang ahensiya ay di titigil sa paghahatid ng mga serbisyo at mga programa para sa mga lugar na nabanggit upang tuluyan nang makabangon sa kahirapan ang mga mamamayan doon na matagal nang nagtiis sa mga kaguluhan.

Sa ganitong mga kaparaanan nga naman, maiaahon talaga ang mga katayuan ng ating mga kababayan sa mga lugar na dati ay puro lamang kaguluhan at pinaghahari-harian ng mga rebelde.

Kapag nakita na, ng ating mga kababayan na ang pamahalaan ay talagang mag pagmamalasakit sa mga gaya nila, hindi na ito susuporta, o’ makikisimpatya sa mga nais magrebelde.

Mabibigyang daan ang kapayapaan, tungo sa kaunlaran. Mabuhay ka Usec. Tanjusay!