Advertisers

Advertisers

VM Respicio mukhang adik – Sec. Remulla

0 21

Advertisers

NAIS ni Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla na ipa-drug test si Reina Mercedes, Isabela Vice Mayor Harold Respicio nang mauwi sa palitan ng maaanghang na mga salita sa pagitan nito at mga kapitan ng barangay sa ‘Civilizes Forum’ sa nasabing munisipyo nitong Lunes.
‘I advise him we will give him a drug test kasi mukhang adik eh ‘yung asal niya eh. Meron bang normal na vice mayor na ganun? Parang wala sa sarili eh, parang hindi halal,” pahayag ni Remulla.
Sinabi ni Remulla na pinag-aaralan na ng DILG ang pag-iisyu ng show cause order” laban kay Respicio “pero gusto ko i-drug test muna. Tingin ko talaga adik eh kasi ngayon lang ako nakakita ng vice mayor kung manigaw ganun di ba. Parang nakasinghot kung umasta.”
Aniya, may mga nilabag na mga alintuntunin ng DILG si Respicio at patuloy ang kanilang isinasagawang imbestigasyon hinggil sa nasabing insidente.
“Meron doon ‘yung abuse towards a person of authority noong pinagsisigawan niya ‘yung pulis nakatayo lang ‘yung pulis doon eh pero we are still investigating and I am leaving it to Gov. Albano to handle it. Hindi muna ako”, saad ni Remulla.
Samantala, kaagad nagpa-drug test nitong Mierkoles si Respicio at ibinandera niya ang negatibong resulta mua sa St. Lukes Hospital.