Advertisers
MATAPOS kong tuligsain sa aking kolum sa Police Files TONITE at mga programa sa radyo DWBL 1242 kHz AM band Mega Manila at Kalahi Mo 101.7 FM (DWXR) ang mga perwisyo at salot na sugal na pinagpipiyestahan gabi-gabi sa 14- bayan at 1-siyudad sa Oriental Mindoro sunod-sunod na akong nakakatanggap ng impormasyon via text messages mula sa mamamayang napeperwisyo nito dahil sa ingay at hiyawan ng mga sugarol na nananalo at natatalo.
Tunghayan natin ang kanilang mensahe:
“Sir Bula dito sa Comunal at Canubing sa Calapan makalas sa pulis at barangay ang operator ng color games at drop ball mula alas 7pm hanggang 1AM inaabot ang operasyon na bantay sarado ng mga barangay tanod”. – +6399870012++
” Gd am Balyador nakikinig kmi sa radyo ang alam ko bawal ang sugal alinsunod sa PD 1602 pero dto sa Poblacion Victoria para gang legal ang sugal sa perya binabantayan pa ng mga police mobile”. – +6391779529++
“Sir paano ga matigil areng sugal sa mindoro kong ari nman ay naka timbre na kay hepe at mayor. Pati ngani sa kampo at kapitolyo may malaking payola kaya naka takip ang mata ng mga opisyal”. – +6399026007++
” Idol natutuwan kmi na may brodkaster na matapang na tulad mo na malakas ang loob na bumatikos sa mga mayor at PNP. Ang tanong diyan hindi maglakas loob magpasugal ang mga may-ari ng peryahan ng walang basbas ni Kapitan, mayor at hepe”.- +639178807751
“Sir Ronald si ka Rene ito ang galing nyo pala mag broadcast nakikinig kmi. Kayo lang wari ang nadidinig naming media na malakas ang loob na bumatikos kumpara sa mga media dini na tikom ang bibig. May babae na media din akong nakikita nakalimotan kulang ang pangalan madalas ko makita sa perya na may kasamang kalalakihan na kinakausap ang may-ari. God bless and more power to your program Sir.” – +639369191442++
“Sir magaling ang PD ngayon ng Oriental Mindoro na si Col.Camara sigurado hindi nya kunsintihin ang ilegal na sugal dahil.kapit bahay ko yan sa tibag”. +6399821176++
“Sir batikosin nyo ang NBI dahil hindi yan mananahimik ng walang busal ang bibig”. +6399351519++
“Sir Bula naniniwala ba kau na walang tinatanggap ang kapitol sa pamamayagpag ng jueteng at aring mga peryahan na pulos sugal.Kong walang tinatanggap malamang walang sugal ang buong Oriental Mindoro. Dapat kumilos ang magkapatid na Remulla hindi puro impeacjment ni VP Sara ang inaatupag”. +639178456616
” Sir Ronald Bula walang magagawa ang batikos mo sa mga protektor ng ilegal na sugal sa Mindoro dahil lhat may payola at walang magnanakaw na umaamin. Tuloy mo lang ang pagbatikos Sir sa mga buwaya na pulitiko at sa mga gahaman na hepe ng kapulisan. Ingat palagi Sir God bless u.” – +6391244830++
“Sir Bula ito ang hamon sa bagong PD ng Oriental Mindoro na si Col Efraim Camara na patunayan niya na iba sya sa mga nagdaang PD na sangkot sa sugal at droga. Ipakita nya sa mga kababayan niyang mindoreño na tama ang pagkakatalaga za kanya sa pwesto.” +63912558522
“Idol itong nakawan patayan at paglaganap ng droga sa.mindoro sugal ang isa sa mga nakikita kong dahilan kaya tumataas ang crime rates sa Oriental Mindoro”. +639176627+++
“Sir lagi kming nakikinig sa programa ninyo sa radyo. Batikosin nyo ang mga bagman ng mga mataas na opisyal sa kampo at mga meyor sa Oriental Mindoro na sobrang gahaman sa pera, P2.5M ang hinihinge bago ka maglagay ng perya sa bayan niya”. +63936911649+++
“Boss ber months halos lahat ng bayan na nasasakupan ni Oriental Mindoro PD Col Camara pinamumugaran ng mga carnival/perya namay sandamakmak na color games at drop ball baraha. Malamang tiba-tiba ang mga tiwaling opisyal ng gobyerno”. +63998200176+++
Ilan lamang ang text messages na yan na natanggap natin mula sa ating mga avid listener and readers na walang pangingimi sa kanilang mga alegasyon at akusasyon.
Sa kanilang reklamo, nanawagan sila kay Ombudsman Boying Remulla at DILG Sec. Jonvic Remulla, na kumilos dahil sa posibleng pagkakasangkot ng ilang tiwaling LGUs sa nabanggit na lalawigan na nakikinabang sa operasyon ng sugal tulad ng illegal numbers game o jueteng at pergalan o perya-sugalan na ilangbtaon ng namamayagpag sa lalawigan ni Gov. Humerlito “Bonz” Dolor.
Nakakatuwa dahil hindi lang pala ang inyong lingkod ang nag-iisa sa paglalantad ng katotohanan sapagkat maging ang mga payak na mamamayan sa Oriental Mindoro ay tumutuligsa din sa hindi pag-aksyon ng kanilang mga barangay captain, mayor at hepe ng pulisya.
Kung ating pagbabatayan ang hinaing ng mga taga Oriental Mindoro malinaw pa sa sikat ng araw na may pagpapabaya dito ang Gobernado ng lalawigan maging ang PNP sa kanilang tungkulin dahil sa hindi nila pag-aksyon para sugpuin ang salot na sugal tulad ng jueteng at itong mga ‘color games at drop ball baraha” na ang front ay tradisyunal na Peryahan.
Kapag mahigpit na paninindigan ni PNP Chief, General Jose Melencio Nartatez Jr. ang paglilinis sa kanyang hanay batay sa naunang polisiya ng PNP.