Advertisers

Advertisers

TRICKY TSIS NAHAHARAP SA KRISIS

0 112

Advertisers

MAHIRAP ang sitwasyon ng Senado bilang hukuman na naglilitis kay Misfit Sara. Sala sa init, sala sa lamig. Hindi maaari na basta i-dismiss ang Articles of Impeachment na inilatag laban sa pangalawang pangulo. Nahaharap si Tricky Tsis sa malaking gulo at kahihiyan kung ibabatay sa interpretasyon ni Tricky Tsis ang sakdal laban kay Misfit Sara.

Walang batayan sa Saligang Batas ang interpretasyon ni Tricky Tsis na maaaring pagbotohan ang sakdal laban kay Misfit Sara. Malinaw ang utos ng Saligang Batas: litisin si Misfit Sara batay sa Articles of Impeachment; dinggin ang mga katibayan na iniharap ng mga uusig sa kanya; pasagutin siya sa mga paratang; at magdesisyon kung may sala o walang sala batay sa mga ebidensya.

Kaya maling-mali si Tricky Tsis. Layunin niya na iharap ang Senado sa isang krisis sa hinaharap. Ito ang paraan niya upang pangalagaan ang interes ni Misfit Sara. Paraan niya ito upang manatili si Misfit Sara sa mga kandidato sa panguluhan sa 2028.

Gayunpaman, hindi nakakasiguro si Tricky Tsis sa kanyang liderato sa Senado. Madali siyang ugain upang magkaroon ng panibagong lider na uugit sa Senado. Nariyan si Tito Sotto. Nagparamdam na si Tito na interesado siyang umupo bilang kapalit ni Tricky Tsis. Nariyan si Migz Zubiri na maaari rin pumalit sa kanya.

Humigit kumulang na tatlong linggo ang haharapin ng mga senador upang magpalit ng isip kung sino ang uupong bagong Senate president. Maraming maaaring mangyari sa tatlong linggo. Walang nakasulat na permanente sa panahon na iyan. Maaaring umiba ang ihip ng hangin at nahaharap si Tricky Tsis sa kaparusahan.

***

MALI si Tricky Tsis sa kanyang interpretasyon na tapos na ang sakdal kapag nagdesisyon ang mga senador na i-dismiss ang sakdal sa pamamagitan ng isang mosyon at botohan lang. Hindi ito ang diwa ng Saligang Batas. Ayon sa mga nakakaunawa sa batas at hindi sa nagpapanggap na tulad ni Tricky Tsis na limitado ang karanasan, kailangan magkaroon muna ng paglilitis bago magdesisyon ang Senado kung may sala o walang sala si Misfit Sara.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">

Ayon sa kanila, may malinaw na papel ang dalawang kapulungan ng Kongreso pagdating sa usapin ng impeachment. Trabaho ng Camara na masusing pag-aralan kung may batayan o wala ang anuman reklamong impeachment na ihahain sa Camara. Ayon sa Saligang Batas, sa Camara dapat mag-umpisa ang anumang reklamong impeachment.

Kapag nagdesisyon ang Camara na may sapat na batayan ang reklamo, maghahain ito ng Articles of Impeachment na taglay ang mga detalye ng sakdal. Dinadala ito sa Senado. Ayon sa Saligang Batas, trabaho ng Senado na dinggin ang Articles of Impeachment. Dedesisyunan lang ito kung may paglilitis.

Sa Camara pa lang, sinusuri ng mabuti ito upang hindi masayang ang oras ng Senado. Hindi trabaho ng Senado na gawin ang trabaho ng Camara. Malinaw ang bilin ng Saligang Batas. Ito ang hindi naiintindihan ni Tricky Tsis. O sadyang gumagawa lang siya ng dahilang upang mailto ang sambayanan sa kanyang kagaguhan?

***

GANITO ang katwiran ni Kin. Gerville Luistro ng Batangas. Isa si Luistro sa mga mambabatas na bubuo sa 11-katao Prosecution Panel ng Camara na haharap sa Senado bilang hukuman. Trabaho ng Senado na dinggin ang reklamo laban kay Misfit Sara. Hindi ito puede na basta isantabi kahit may poder umano ang Senado na gawin ang sariling tuntunin kung paano haharapin ang Articles of Impeachment laban kay Misfit Sara.

Bilang isang impeachment court, may poder umano ang Senado na bigyan ng interpretasyon ang kanyang kapangyarihan bilang impeachment court. Hindi kontra ang poder ng Senado, bagaman nagbabala ang mga totoong nakakaunawa sa batas, na maaaring abusuhin ng Senado ang sariling kapangyarihan. Maraming maaaring mangyari sa mga susunod na araw at kasama na dito ang napipintong pagsibak kay Tricky Tsis sa poder.

Samantala, nagbabala si Kin. Chel Diokno na isang patibong ang anumang pagsagot sa remand order ng Senado sa Articles of Impeachment ng isinumite ng Senado laban kay Misfit Sara. Hindi ito dapat sagutin dahil bibigyan ng katuparan o pag-ayon sa pananaw ni Tricky Tsis na mas makapangyarihan ang Senado sa Camara. Hindi ito totoo, aniya.

Sa ngayon, mas lumilinaw na ang posisyon ng prosekusyon sa mga palpak na ideya na ipinalutang ni Tricky Tsis. Lumalabas na hindi sinasang-ayunan si Tricky Tsis ng kanyang mga kasamang mambabatas. Ganyan rin ang tingin ni Kin. Leila de Lima, isa pang kasapi ng Prosecution Panel kasama ni Chel Diokno. Mukhang solido na ang Prosecution Panel sa kanilang mga posisyon.