Advertisers

Advertisers

MMDA ‘WAG TALIKURAN ANG SERBISYO SA KITA

0 43

Advertisers

Ganap na malaki ang usapin sa trapiko sa Metro Manila maging sa ibang kalunsuran sa bansa at patuloy na lumalala. Sa pagdami ng naglipanang mga sasakyan ‘di pa usapin ang mga paradahan silip na tila malaking paradahan ang kakalsadahan ng kalakalang Maynila. Maging o kahit may Metro Manila Development Authority (MMDA) na nangangasiwa ng trapiko sa EDSA at malalaking kakalsadahan sa kaMaynilaan, ‘di maibsan ang sikip ng trapiko sa mga pangunahing lansangan. Ilang ulit ng nagpalit ng pangalan ang ahensya maging ng punong tagapagpaganap subalit patuloy ang usapin sa trapiko, ‘di pag-uusapan ang ibang nakaatang na gawain ng ahensya.

Sa patuloy na pag-unlad ng kalakalang Maynila at patuloy na pagdami ng naninirahan mula sa mga taal na taga lungsod at mula mga Pinoy sa malapit na lalawigan na ibig o naghahanap-buhay. Ang pagdami ng naninirahan at naghahanap-buhay kaakibat ang pagtatayo ng mahahalagang serbisyo na sagot na nasilip ng pamahalaan maging ng mga negosyante sa bansa. Sa totoo lang kaliwa’t kanan ang pagpapalawak ng mga kakalsadahan maging ang pagdami ng mga “mass transpo” upang ma-ibsan ang pagsikip at mapabilis ang paghahatid ng mga manlalakbay mula sa mga pinagmumulan tungo sa mga tanggapang pinapasukan, pabalik.

Hindi matatawaran ang paglago ng populasyon sa bansa higit ang mga naninirahan sa kaMaynilaan. Ang paglago ng tao ang ‘di matawarang usapin na nagpapahirap sa pamahalaan at kung paano maiibsan ang ilang pangangailangan ng Pinoy. Sa totoo lang, ang pagdami ng populasyon sa kalakarang Maynila ang dahilan ng pagsikip ng mga lansangan ‘di pa silip ang mga ilang mga naghahanap buhay sa kakalsadahan. Siempre, ‘di mawawala ang tagapagpatupad ng pagdaloy ng mga sasakyan. Pansin sa mga lansangan sa kaMaynilaan na sa halip na gumaan ang takbo ng trapiko, higit na sumisikip kung nasa gitna ang mga tagapagpatupad ng trapiko. O’ sadyang literal ang salin o basa na kaya ma-traffic dahil may nagpapatupad ng pag-tratraffic, hehehe.

Pangalawang dahilan sa masikip na trapiko, ang mabilis na programa ng pagpapautang ng motorsiklo maging ng kotse. Ang paggaan ng pag-utang ng sasakyan ang tuwirang dahilan ng pagdami na sanhi ng pagbagal ng takbo ng mahahalagang kalakal sa kaMaynilaan. Sa totoo lang, may pag-aaral na higit sa bilyong piso ang nawawalang kita sa bawat araw dahil sa bagal ng pag-usad ng kalakal na naiipit sa mga kakalsadahan dahil sa masikip na trapiko. ‘Di pa usapin ang mga nagpapatupad ng trapiko at maging ang ilang choke-point na kalakaran ng kotong ng ilang kapulisan. Sa nasilip na dahilan, nagpalabas ng kautusan ang MMDA na tinatawag na No Contact Apprehension Policy (NCAP) sa kaMaynilaan.

Gamit ang CCTV, masilip ang paglabag ng motorista sa batas trapiko at sa halip na harapang matanggap ang tiket sa paglabag, ang kuha sa CCTV ang basehan sa pagpapadala sa bahay ng ticket sa nagawang paglabag sa batas trapiko. Uulitin gamit ang CCTV, nasisilip ang detalye ng pag-aaring sasakyan sa pagtanaw sa “plaka” ng sasakyang pinatatakbo. Hindi kailangan lapitan ng sino mang tagapagpaganap sa pagbigay ng ticket. Walang pagtutol sa layon na maibsan ang daloy ng tapiko subalit tila ‘di nababawasan ang mabagal na pag-usad ng mga sasakyan, higit sa mga kakalsadahang ‘di napapaloob sa NCAP. Sa totoo lang, marami sa mga tumatakbo sa kakalsadahan na ‘di batid ang paglabag at tunay na nabigla na matatanggap ang ticket ng paglabag.

Sa nakitang magandang resulta kuno ng NCAP at ganda sa dami ng pumapasok na kita sa ahensya (MMDA) sa banggit na programa, tila nakiliti ang isip ng pamunuan ng MMDA at ibig na higit na magpalaki ng takits para sa ahensya. Sa nakalap na impormasyon, ibig alisin ng MMDA ang bilang o oras na makikita sa mga ilaw trapiko. Sa kasalukuyang kaayusan silip na may bilang kung ilang segundo o minuto bago ang pagtigil o pagtakbo ng mga sasakyan. Ang magandang kaayusan ng signal light/s ay tila naduhagi dahil sa ibig na pataasin ang pumapasok na salapi sa kaban ng MMDA dahil sa programa ng NCAP. At sa totoo lang, ‘di dapat pinapatay ang maayos na programa dahil sa karagdagang pagkakakitaan ang MMDA. Kailan pa naging GOCC ang MMDA? O’ sadyang tumaas ang takits ng pamunuan ng ahensya dahil sa NCAP.

Hindi dapat patayin ang maayos na nagaganap higit silip ang pagkagalak at pagsunod ng balana sa panuntunan. Sa pagbalik pag-aaral, napansin ang pagtaas ng paglabag sa mga batas trapiko noong panahon na ‘di ipinatutupad sa mga signal light ang paglalagay ng oras o bilang bago sa pagtakbo, pagtigil maging ang pagtawid ng mga pedestrian. Naging maingat ang mga motorista kung nasisilip ang oras o bilang sa pagtigil o bago umarangkada. Hindi ganap ang serbisyo publiko higit sa ahensya ng pamahalaan na batid na una dapat ang serbisyo at ‘di ang kita. At nakakalungkot na masilip na dumami ang bilang ng mga paglabag sa trapiko at maging ng ‘di inaasahang aksidente sa aalisan nilang o oras sa mga ilaw trapiko.

Sa totoo lang, ‘di ganap ang tagumpay ng pagpapalaganap ng NCAP sa kaMaynilaan at tila nagbabagong mukha ang nakalugmok na imahe ng MMDA. At heto, sa nakitang pagkakakitaan, isang magandang programa ang ibig alisin kapalit ng karagdagan pagkakakitaan dahil sa ‘di sadyang paglabag na malilikha ng pag-alis ng mga orasan o bilang sa mga signal light. Hindi sagot ang karagdagang pagkakakitaan sa maayos na programa na tinatalima ng tao sa lansangan. Sala ang mungkahi na alisin ang bilang sa mga signal light. Alisin ang nagmungkahi sa halip ang orasan sa traffic lights.

kumita dahil sa paglabag batas trapiko. Huwag mabulag sa ‘di ganap na tagumpay ng NCAP na mag-aalis sa mga LGU ng sari-sariling tagapagpaganap ng trapiko sa mga nasasakupan. Ang tagumpay sa isang banda’y ‘di sapat na matabunan ang kapalpakan sa maraming bagay tulad sa ‘di maayos – ayos na baha sa kalakalang Maynila. Mag-isip – isip dahil hindi matatabunan ang kaligtasan sa kakalsadahan kung ibabanga sa kikitain ng ahensya na ‘di mandato. Palakasin ang serbisyo sa bayan at ‘di magpalaki ng kita. Unahin ang serbisyong bayan ng masilip ng mga namumuno sa bayan na dapat palakasin ang ahensya. At magalak dahil ibig tularan ng ispiker ng malawak na kapulungan na lumikha ng tulad na ahensya sa rehiyong nasasakupan. MMDA, huwag limutin ang serbisyong bayan at iwaglit ang takits sa serbisyo sa kaMaynilaan.

Maraming salamat po!!!!