Advertisers

Advertisers

35-ANYOS NA LALAKI, NAKIPAGHABULAN SA RUNWAY 06 NG NAIA; NAHULI NG AIRPORT SECURITY

0 24

Advertisers

ISANG 35 anyos na lalaki ang nakapasok sa loob ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Runway 06 na nagresulta ng mabilis na habulan sa pagitan ng mga airport security ng NAIA Terminal 1 noong Miyerkules , October 8, 2026.

Ang lalaki ay mula sa San Luis, Aurora na natagpuang walang balidong airport access pass o iniresetang safety gear nang hulihin ng mga awtoridad.

Ayon ulat ng pulisya, naharang ng airport security ang isang hindi awtorisadong indibidwal na lumabag sa airside perimeter ng NAIA complex bandang 4:09 PM noong Miyerkules habang naglalakad sa Link Road Aircraft Movement area.



Nabatid na bigla siya tumakbo at tumalon mula sa bakod patungo sa Runway 06 ng NAIA Terminal 1 malapit sa Duty Free Fiesta Mall.

Batay sa imbestigasyon ng Philippine National Police (PNP), sinabi ng suspek na siya raw ay susundo sa kanyang asawang overseas Filipino worker (OFW) na magmumula pa sa Austria, ngunit habang siya ay nasa airport ay napansin nitong may tao na sumusunod sa kanya.



Ang lalaki ay inimbitahan ng mga tauhan PNP AvSeGroup sa himpilan ng pulisya upang imbestigahan, kalauna’y nagkita na rin sila ng kanyang asawa na OFW kagagaling sa ibang bansa.

Tinitiyak ng New NAIA Infrastructure Corporation (NNIC) sa publiko na epektibo ang mga protocol sa seguridad ng paliparan at agad na ipinatupad.



Mabilis na naaksyunan ang insidente, na nananatiling walang banta sa mga sasakyang panghimpapawid o pagkagambala sa mga karaniwang operasyon ng paliparan. (JOJO SADIWA)