Advertisers

Advertisers

NBI kakasuhan si Gracioso kung nagsisinungaling

0 23

Advertisers

MAGSASAMPA ng kaso ang National Bureau of Investigation (NBI) laban kay self-confessed bagman Rodulfo Gracioso Jr. kung mapatutunayang mali at nagsinungaling ito sa kanyang mga alegasyon laban sa mga Duterte.
Ayon kay NBI Director, Atty. Melvin Matibag, patuloy nilang iniimbestigahan ang mga pahayag ni Gracioso upang matukoy kung may katotohanan ang mga alegasyon nito at kung may iba pang taong dapat managot.
Matatandaang inihayag ni Gracioso, dating security aide ni dating House Speaker Lord Allan Velasco, na naghatid siya ng male-maletang pera kina Vice President Sara Duterte, dating Pangulo Rodrigo Duterte, at Davao Rep. Pulong Duterte.
“Kung mali at perjurious yung mga statement ni Gracioso, we will not hesitate to file cases against him,” paha-yag ni Matibag.
“But kung malaman po natin na mayroong palang somehow katotohanan doon, kung ‘di man lahat at mayroong dapat managot doon sa mga sinasabi niya, we will also not hesitate to go after them,” dagdag pa niya.
Binigyang-diin ng NBI chief na hindi ang imbestigasyon sa mga personalidad kundi sa isyu ng pagdadala o paghahatid ng pera gamit ang mga maleta at kahon.
“Ang isa pong importante dito… kung bakit medyo pinupursigi natin ma-investigate doon, not because of the personalities, but because of the issue. Ano po yung issue? Delivery ng pera, male-maleta, kahon,” aniya.
Ayon kay Matibag, bahagi ng iniimbestigahan ang mga alegasyon tungkol sa umano’y delivery ng pera at mga kahon na iniuugnay ni Gracioso sa mga proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at sa isang opisina sa House of Representatives.