Advertisers

Advertisers

Police Colonel inireklamo ng abuso sa kapangyarihan

0 24

Advertisers

INIIMBESTIGAHAN ng National Police Commission (Napolocom ) ang isang aktibong police colonel nang ipagharap ito ng reklamo ng pang-aabuso sa kapangyarihan at harassment.
Inatasan ni Napolcom Commissioner Ralph Cali-nisan ang Napolocm Inspection, Monitor and Investigation Service (IMIS) na magsagawa ng imbestigasyon laban kay Colonel Froian R. Uy nang ipagharap ito ng reklamo nina Christopher Teodoro Battaller, Wendell D. Bergado, Erika Jane Colle, Jaynor R. Reyes, at Mira Reyes mula sa Baliwag, Bulacan.
Ipinagharap si Uy ng kasong grave misconduct, grave abuse of Authority o oppression, grave neglect of duty, disgraceful and immoral conduct at conduct unbecoming of police officer.
Inirerekomenda ng Napolcom na patawan ng preventive suspension si Uy habang gumugulong ang administrative proceeding.
Bukod dito, hinarang din ng Napolcom ang kanyang posibleng promotion at paglipat sa ibang puwesto.
Nag-ugat ang reklamo sa pagsasanla ng sasakyan na pagmamay-ari ni Uy na nagkakahalaga ng P150,000. Tutubusin ang nasabing sasakyan sa loob ng isang buwan nguni’t umabot na isang taon hindi ito natutubos.
Nang sinisingil at pinatutubos ang nasabing sasakyan, nagalit umano ang partner ni Uy at pinagbataan ang mga complainant sa social media. Ang pagpapaputok ng baril sa bahay ng complainant at paghaharas sa brgy. chairman at dalawa nitong kapatid sa Brgy. Bagong Nayon, Baliwag.
Inakusahan rin si Uy ng pagbibigay ng special treatment at pakikialam sa pag-transfer ng isang “Bambie T. Cunanan” mula sa Taguig City Police Station Custodial Facility-annex sa Bulacan Provincial Jail.
Paggamit nito ng mga tauhan ng PNP personnel bilang private security escort at driver ni Cunanan nang wala umanong authorization mula sa Police Security and Protection Group (PSPG).
Pagpapagamit ng government issued na Toyota Innova kay Cunanan para sa personal na aktibidades nito at online vlogging at pagpapagamit ng PNP Fleet card upang makakuha ng libreng gasolina.
Sa kabila nito, sinabi ni Calinisan na hihintayin nila ang mga magiging tugon at kasagutan ni Uy sa mga akusasyon laban sa kanya.(Mark Obleada)