Advertisers

Advertisers

Winwyn tinamaan ng Covid-19 kung kelan buntis; Sheryl kontrabida ulit sa bagong serye

0 454

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

SA sariling social media account ay nag-post si Winwyn Marquez ng isang larawan at nilagyan niya ito ng caption  na nagpapahiwatig siya na nasa home quarantine.

Walang malinaw na pahayag kung nagpositibo ba ng COVID 19 ang ilang buwan na rin naman na buntis na aktres courtesy of her non-showbiz boypren.



Sa naturang post ay sinabi ni Winwyn na nakakatakot at mahirap para sa isang tulad niya ang kondisyon na magpa-home quarantine.

“It’s hard and scary. Nakakapagod pero laban lang and stay optimistic. I pray hindi lahat maka-experience nito and sa mga tinamaan ay sana lahat gumaling na,” say ni Winwyn.

Bagama’t walang malinaw na indikasyon kung positibo ba o hindi si Winwyn sa nakamamatay na virus, nagbigay siya ng payo sa mga katulad niya rin ang sitwasyon sa buhay.

“Lagi ko nga sinasabi sa sarili ko na all will be well and after nito mabibigyan lalo natin ng importance yung mga bagay na dati ay binabalewala lang. Get vaccinated, drink your vitamins, mag-mask, safely distance yourself from others, test agad at mag isolate pag may naramdaman and contact agad ng fam and ng doctor niyo,” dagdag na say pa ni Winwyn.

***



NAGING super hit sa televiewers ang pagiging kontrabida ni Sheryl Cruz na may kahalong May-December love affair sa seryeng “Magkaagaw”. Aliw kay Sheryl ang mga manonood lalo na sa eksenang inaakit niya ang mas batang si Jeric Gonzales. Naging maingay ang serye lalo na ang pagkakaroon umano ng relasyon nina Sheryl at Jeric.

Hindi na pinatulan ni Sheryl ang tsika dahil after ng serye nila ni Jeric ay napasabak agad si Sheryl sa panibagong role bilang kontrabida at tatlong buwan halos siyang nasa lock-in taping nang walang labasan para sa seryeng “Prima Donnas: Book 2”.

Ano kaya ang feelings ni Sheryl na pumasok siya sa isang seryeng hit na hit na?

“Noong una, I was nervous kasi matagal nang magkakasama ang buong cast sa show and they’re already closely knit. Ako yung bagong salta.

“But I’m very grateful as they welcomed me very warmly as the new member of the cast. They all made it easy for me to do my job. It’s a great project and I’m sure people will enjoy watching it,” say pa ni Sheryl.

Ano naman kaya ang kaibahan ng pagiging kontrabida ni Sheryl ngayon sa Book 2 ng ‘Prima Donnas’?

“I play Bethany, a balikbayan from Australia na siyang nakasama roon ni Sofia Pablo as Lenlen. Medyo may pagka sosyal ang role ko kasi kailangan kong magsalita ng English in Australian accent. Kami ni Sofia Pablo, parehong pinag-aralan namin pati ang popular expressions nila.

“We had fun. With the guidance of our inay, si Direk Gina Alajar, I think nagawa namin nang maayos ang trabaho namin. I’d really want to thank the GMA creative team na ako ang napili nilang gumanap as Bethany at isama sa grupong ito,” dagdag na say pa ni Sheryl.

Magmarka kaya ulit sa televiewers ang pagiging balikbayang kontrabida ni Sheryl? Mapantayan kaya o maungusan niya ang kasikatan na nakuha ni Aiko bilang Kendra sa Book 1 ng “Prima Donnas”?

Kailangan kasi umalis ni Aiko sa serye dahil pasok ang pagpapalabas ng Book 2 sa election period para sa parating na Halalan 2022 na tumatakbo si Aiko bilang kongresista sa isang distrito sa Quezon City.