Advertisers

Advertisers

Noong Nabubuhay pa… Achievement ni Mamay Belen Aunor ‘di matatawaran; LA Santos lalong gumwapo at sexy

0 868

Advertisers

Ni PETER S. LEDESMA

KUNG may starbuilder tayo na tulad nina late Kuya Germs, Ike Lozada, Mother Lily Monteverde etc., sa larangan naman ng musika ay kilala si Mamay Belen Aunor na mother ng sumikat na singer-actress noong dekada 70 at ngayon ay isa nang successful businesswoman na si Maribel Aunor.

Yes, hindi matatawaran ang naging achievement ni Mamay Belen noong nabubuhay pa dahil siya lang naman ang mentor at nag-train ng talento ni Nora Aunor bago pa manalo sa “Tawag Ng Tanghalan.”



Yes, isa si Mamay Belen sa likod ng tagumpay ng ating Superstar. Mentor din siya ng kanyang mga granddaughters na sina Marion at Ashley Aunor. At noong 70’s marami sa mga sumikat na singers (male and female) ang naging mentor si Mamay Belen at siya ang humasa sa mga ito para lalo pang yumabong ang boses dahil isa nga itong magaling na musician.

At bilang paggunita sa kaarawan (Dec 29) ni Mamay Belen at tribute sa kanya ay mapapakinggan sa digital streaming platforms ang mga awitin nito gaya ng “May Bahay Ako Sa Langit.”

Bilang daughter naman ay very proud at ikinararangal ni Maribel Aunor ang nasabing pamosong ina, na siya ring humubog sa talento niya noon.

***

SIGURADONG mapapa-wow ka kapag nakita mo ang kagwapohan at ganda ng katawan ngayon ni LA Santos.

Grabe, kahit nakadamit ay labas ang lakas ng sex appeal ni LA habang kinakanta sa kanyang music video ang cover song na “Man In The Mirror” ni late Michael Jackson na binigyan niya ng bagong version na bumagay sa kanya.



At lalo pang gumaling si LA, mas tumaas pa ang tono ng boses nito ngayon. Well, vibes namin malapit nang mag-shine ang singing career ng binatang ito ni Madam Flor Santos lalo na’t kasama ito sa cast ng inaabangan ng lahat na “Darna” ni Jane de Leon. Ang maganda kay LA ay very generous siya sa mga new artist na gusto niyang tulungan at mabigyan ng break sa music company na 7K Sounds at all-out ang support sa kanya dito ng beloved Mom niyang si Flor, na kilalang matagumpay na entrepreneur.

***

JC Garcia Successful Na Concert Artist Sa Amerika, May Pre-Valentine Show With Yolanda Sa Fort Mckinley

Yes, isa nang matagumpay na concert artist ang international recording artist-dancer at online TV host sa Amerika si JC Garcia.

Lahat kasi ng ginawa nitong concert ay jampacked ang audience. Well, marami kasing fans and supporters na rich si JC at todo ang suporta sa kanya ng mga ito.

At happy si JC at madalas niyang makasama ngayon sa kanyang mga show ang Bff at kapwa recording artist na si Yolanda. Sa katunayan, silang dalawa ni Yolanda ang frontliners sa gagawin nilang Pre-Valentine Concert entitled: “Music Of The Heart.”

Gaganapin ito sa Fort Mckinley Bar & Restaurant ngayong Feb 12 at 6:30 PM to 12:30 AM. $45 ang price ng ticket at may kasama na itong libreng buffet dinner at non-stop na sayawan.

Makakasama rin ni JC sa said event sina Michael at DJ Al. Required pa rin ang face mask and face shield at vaccine card sa show bilang pagsunod ng producer ng concert sa health protocol sa San Francisco, California.

By the way, in connection to their upcoming show, last Monday via Zoom ay nagkaroon ng musical brainstorming sina JC at Yolanda kasama si Michael Reyes Lobo.