Advertisers

Advertisers

GV GV lang si JV

0 496

Advertisers

Ni NICK NANGIT

NAKAPANAYAM natin kamakailan lamang ang mabait at gwapung-gwapong artista at commercial model na si JV Cruz. Alamin natin ang mga kasagutan niya sa mga ibinato nating katanungan:

  1. Ano ang iyong mga naging showbiz exposure noon?

Bago pa ang pandemya, isa na akong aktor sa teatro noon pang 2009, at sumali rin ako sa paligsahan ng pag-awit noong 2015 sa Spogify Singing Bae ng programang Eat Bulaga sa GMA7 na naging isa ako sa mga Grand Finalists nito.



Kasama rin sa karanasan ko sa showbiz ang pagiging host sa programang The Big Juan ng GMA News TV. Sa loob ng limang taon, naging host ako ng youth-oriented show na Iskoolmates sa PTV at ng iba’t ibang pageants, mall shows, at events hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa ASEAN region.

Nabigyan din ako ng award bilang Best New Male Host ng UPLB Gandingan at Anak TV Seal, at naging nominado pa bilang Best New MTV personality sa PMPC Star Awards para sa Telebisyon.

Naging bahagi ako ng Magpakailanman sa GMA7 ulit, mainstay ng programang On the Wings of Love sa ABS-CBN, at ng Wattpad Presents at Mysterious Case ni Bea Montenegro na parehong nasa pamunuan ng TV5.

Sa larangan ng commercial modeling, ang mga na-endorso ko na sa TV ay ang mga produktong Zark’s Burger, Honda Motorcycle, Suzuki, Jeunesse Napkin, Sandwich Guy, Mint Clothing, Coke, at Globe.

  1. Ano ang naka-impluwensiya sa iyo para pasukin ang industriya ng showbiz bago mag pandemya, at ano ang nagtulak sa iyo na iwan ito, pansamantala man o pangmatagalan na, ngayong may pandemya.

Passion ko talaga ang pagkanta at pag-arte. Noong una, hindi ko alam na makakayanan ko pala maging isang host. Kalaunan ay na enjoy ko na ito at naging bread and butter pa.



Ang pangunahing pinagkakakitaan ko noon ay ang mga events at shows sa entablado at malls, kaya noong nahinto ang mga ito dahil sa pandemya, nagising ako sa reyaildad na kailangan ko pala ng back-up. Mabuti’t may mga kaibigan ako na handang makipagsapalaran at naniniwala rin sa kakayanan ko na magpatakbo ng negosyo bilang katuwang nila.

  1. Ano ang pinagkakaabalahan mo ngayon?

Dahil kailangang may back-up, nagpasya kami ng aking mga kaibigan na magtayo ng isang spa. Mahirap sa simula, pero masarap pala na may iba pang hanapbuhay. Dito ako nakatutok ngayong pandemya. Marahil ay dapat ko na munang isantabi ang pangarap kong magtagumpay sa show business, lalo na ngayong mahirap makakuha ng trabaho o raket.

Kung talagang para sa akin ang show business, naniniwala akong makababalik ako sa tamang panahon.

Bilang isang Libran, tinitimbang maigi ni JV ang kanyang mga kakayanan at kakulangan, at ginagamit niya ang nalalaman niya para mapabuti lagi ang sarili. Super close din siya sa super bait na Mommy niya.

Marami pa kaming chikang mahahaba pero sa susunod na lamang. Bibitinin ko kayo.

Sa ngayon, ito na muna at para sa iba pang dagdag kaalaman, mag-Subscribe, Watch, Like at Share lang sa Nickstradamus channel sa YouTube, lalo na ang LIVE nito tuwing Biyernes 11pm Philippine Standard Time.

At para naman sa mga katanungang saykismo, gaya ng Orakulo gamit ang tarot cards, o mga made-to-order crystals, makipag-ugnayan lang sa sulatronikong nickstradamus2018@gmail.com o nickstradamusnickstradamus2019@gmail.com.

Hanggang sa muli, Light Love and Life, Namaste!