Advertisers

Advertisers

Doktora HELEN TAN, lodi ng mga taga-Quezon

0 1,288

Advertisers

UMAALINGAWNGAW ngayon sa lahat ng lungsod at bayan ng Quezon na si Doktora Helen Tan, ang kinatawan ng ikaapat na distrito ng lalaeigan sa Kamara de Representantes, ay tinatawag ngayon na “lodi” ng mga taga-Quezon.

Sa pagtawag kay Doktora Tan na lodi ng mga residente, hindi maipagkakailang lumalawak at lumalakas ang suporta ng mamamayan ng Quezon kay Doktora Helen Tan.

Kaya malawak at malakas ang suporta kay Doktora Tan ay dahil kaliwa’t kanan ang mga proyekto ng ng butihing mambabatas.



Hindi maitatanggi na kahit ang mga taga-barangay na nagcha-chat o lumalapit sa kanya ukol sa kanilang mga problema ay inaaksyunan niya agad.

Kamakailan nga raw, lumapit sa tanggapan ni Doktora Helen Tan si Kagawad Renan Ferrer ng Brgy. Concepcion Palasan para sa kanyang constituents na nangangailangan ng oxygen.

Aba’y mabilis ang aksiyon ni doktora helen dahil agad itong napagkalooban ng kailangang tulong.

Nagpadala rin kamakailan si Doktora Helen ng dalawang sets ng computers sa pulisya ng bayan ng Calauag.

Alam n’yo naman, kailangan ng mga alagad ng batas sa kanilang trabaho ang computer.



Kaya malaking tulong ito para sa kanila.

Hindi lang kay “The Gov Doctor” Helen nagpasalamat ang mga miyembro ng Calauag PNP kundi maging kay Atorni Mike Tan.

Maging ang tulay na mag-uugnay sa ilang barangay sa Calauag ay sinimulan na.

Naging dahilan ito para humanga pa lalo kay Doktora Helen ang maraming kapwa niya public servants.

Sabi nga, serbisyong tunay at natural ang dala ng kongresista.

Si Doktora Helen Tan ay tumatakbo ngayon sa pagka-gobernadora ng Quezon.

Ang tulay daw na ipinagagawa, ayon kay Doktora Helen, ay para sa mga nakatira sa Barangay Tiniguiban, Brgy. Tamis, Brgy. Sinag at Brgy. Dapap.

Nakabibilib dahil alam talaga nina Doktora Helen at Atorni Mike na ang maayos na daan ay susi sa kanilang masaganang kabuhayan.

Ganyan ang mga proyektong napapanahon at kapaki-pakinabang para sa mga taga-Quezon.

Samantala, nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte kamakailan ang Republic Act No. 11642 o ang “Domestic Administrative Adoption and Alternative Child Care Act” kung saan si Doktora Helen Tan ang principal author.

Kung hindi ako nagkakamali, sa pamamagitan ng nasabing batas, magtatatag ng National Authority for Child Care (NACC) na magiging isang attached-agency ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Sinabi pa ni Doktora Helen Tan na layunin ng batas na ito na magkaroon ng isang ahensya na nakatutok sa maayos, mabilis, at tamang proseso ng pag-aampon.

Ayon pa kay Doktora Helen isa sa mga layunin niya bilang may akda ng batas ay ang pagbibigay ng pagkakataon sa mga nais at kuwalipikadong mag-ampon ng mas mabilis na proseso at dumaan sa pagsusuri ng ating mga eksperto.

Naku, saludo po kami sa inyo, Doktora Helen “The Gov Doctor” Tan.

Mabuhay po kayo at God bless you po!