Advertisers
Ni ROMMEL GONZALES
ISANG bagong Kylie Padilla ang mapapanood sa kanyang upcoming Kapuso series, na gaganap siya bilang isang billiard genius. Alamin kung sino ang kanyang magiging leading man.
Sa Chika Minute report ni Nelson Canlas sa GMA News “24 Oras” nitong Miyerkules, sinabing bola ng bilyar naman ang mina-master ni Kylie ngayong 2022.
“I’ll really be honest. Never pa akong nag-billiards. Hindi ko siya ma-grasp!” natatawang sabi ni Kylie. “But when I did lessons yesterday, nagkaroon ako ng confidence na kaya ko pala with the right teachers.”
Coaches ni Kylie ang billiard masters na sina Johann Chua at Geona Gregorio.
Nakitaan ng potensyal si Kylie kahit baguhan pa lamang siya sa laro.
Reunited si Kylie kay Rayver Cruz sa proyekto, na nakatambal na niya noon sa isang pelikula noong 2015.
“Nakaka-excite kasi okay kasama si Rayver eh, masayang tao rin naman siya eh. Eh ‘di ba ‘pag ganyan, matagal-tagal mong makakasama ‘yung tao so kailangan jive kayo.”
Bukod dito, nagkasama rin kamakailan sina Kylie at Ruru Madrid sa isang episode ng “Regal Studio Presents.”
Sinulit na rin ng “KyRu” ang pagkakataon at gumawa na sila ng isang matapang na vlog.
“Nae-excite ako para sa vlog na ‘yon kasi we went deeper than just nagpapakilig kami. Napag-usapan talaga namin lahat, nakakatuwa,” sabi ni Kylie.
Ayon pa kay Kylie, halos naging no hold barred ang usapan nila ni Ruru.
“Oo, ganu’n siya. Hindi ko alam kung ‘yun ang ilalabas niya sa pag-edit nila doon.”
***
CHALLENGING daw para kay Kapuso actor David Licauco ang mga dramatic scenes niya sa Mano Po Legacy: The Family Fortune.
Pero sa palagay niya, ito raw ang tipo ng mga proyekto na magbibigay sa kanya ng chance para makilala bilang isang seryosong aktor.
“‘Yung ‘Mano Po,’ marami talagang nanonood eh. Wider ang audience talaga niya. I believe na mago-open siya ng doors for me when it comes to getting projects na mas mahirap,” pahayag ni David sa isang eksklusibong panayam ng GMANetwork.com.
Hindi rin daw in-expect ni David na mae-enjoy niya ang mga heavy drama scenes sa serye.
“To my surprise sa sarili ko, nae-enjoy ko talaga ‘yung dramatic scenes. Hindi ko talaga in-expect sa sarili ko. Hindi ko in-expect na kaya ko. Mas nagulat ako na na-enjoy ko siya,” aniya.
Nais daw kasi ni David na magbigay ng performances na hindi lang nakakakilig, kundi nakakaantig din ng damdamin.
“Siguro if you asked me a year ago, I would say gusto kong maging [aktor na] kinakakiligan, Okay pa rin naman sa akin ‘yun, pero siguro gusto ko rin magkaroon ng mga parang John Lloyd Cruz type of teleserye or movie na romantic but at the same time, maraming drama,” bahagi ni David.
Nakatanggap naman ng papuri ang aktor sa pagganap niya bilang Anton Chan, ang reluctant na tagapagmana sa Mano Po Legacy: The Family Fortune. Marami kasi nakapuna ng improvement sa acting ni David.
Masaya naman siya sa good feedback na natatanggap kaya ipinapangako din niyang marami pang magandang dapat abangan sa kanya at sa kanyang karakter sa serye.
Patuloy na panoorin si David bilang Anton sa Mano Po Legacy: The Family Fortune, Lunes hanggang Biyernes, 9:35 pm sa GMA Telebabad.
***
ISA na namang kuwento ng tunay na buhay ang mapapanood ng Kapuso viewers sa ‘Magpakailanman’ ngayong Sabado.
Pinamagatang “Sign Language of Love,” pagbibidahan ito nina Thea Tolentino at Jeric Gonzales bilang sina Beth at Alex.
Isang teacher sa school for the deaf si Beth. Dito niya makilala ang estudyante niyang si Alex, na mahuhulog ang loob sa kanya. Paano haharapin nina Beth at Alex ang panghuhusga at pagtutol ng mga tao sa paligid nila?
Para magampanan nang mabuti ang kani-kanilang mga karakter, kapwa dumaan sa workshops sina Thea at Jeric para matuto ng sign language.
Abangan ang “Sign Language of Love” sa Magpakailanman o #MPK ngayong Sabado, 7:15 p.m. sa GMA-7.