Advertisers

Advertisers

Sen. Ping ibinuking ng misis na si Alice ang ‘hidden talent’

0 163

Advertisers

KASABIHAN na nga na ang mahusay na padre de familia ay tiyak na magaling din sa serbisyo publiko.

Mapatutunayan ito lalo na’t ganito ang presidential aspirant na si Sen. Ping Lacson.

Sa katunayan ay nalalapit na ang golden wedding anniversary ni Ping at ng kanyang butihing misis na si Alice de Perio-Lacson.



Tunay na relationship goal ang mag-asawa na matagal nang nagsasama at may apat nang anak.

Sinabi ni Alice na bagama’t tahimik lang si Ping ay nainlab anya siya sa natatanging talento nito, ang pagsasayaw.

“Kaya nga ako nagka-crush diyan, ang galing galing sumayaw. Hindi niyo alam, sobrang galing niyang sumayaw,” wika ni Mrs. Alice.

“Kahit daw sa school noon, palagi siyang kasali sa mga ano… sa dance program,” dagdag ni Mrs. Lacson.

Pero sa tagal sa public service ay hindi na raw mapapasayaw ang senador.

Wala rin umanong nabalitaan na nagkaroon ng ibang babae si Sen. Ping sa tagal niya sa serbisyo.



Noong pulis si Sen. Ping, may kinalagyan ang mga kriminal, kidnapper, at mga tiwaling pulis na mahilig sa kotong at padulas.

Nang maging senador naman, bukod sa paggawa ng mga batas, kabi-kabilang isyu ng katiwalian ang ibinuking niya kahit mapag-initan pa siya. Matatandaang hindi rin siya tumanggap ng pork barrel funds.

Kaya kung siya ang mahahalal na susunod na presidente, alam n’yo na kung ano ang kahihinatnan ng bansa. (BKC)

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More