Advertisers

Advertisers

MAY PUSONG MALASAKIT SA TAO, PATUNAY SA MAHUSAY NA LIDERATO NI YORME ISKO: DR. BALITA

0 402

Advertisers

TOTOO sa puso ni Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso ang makapagbigay ng makataong serbisyo sa masang Pilipino.

Ito ang sinabi Dr. Carl Balita sa halos walang tulog na pag-aasikaso ng alkalde ng Maynila sa mga motoristang nais magpabakuna laban sa COVID-19 sa Quirino Grandstand sa Luneta Park nitong Lunes at Martes.

Marami sa motorista na mula sa ibang siyudad at lalawigan ay tumanggap ng booster shot sa Luneta 24-hour drive-thru facility ay labis ang pasasalamat kay Yorme Isko, kandidatong pangulo ng Aksyon Demokratiko.



“Ito yung buhay ni Yorme. From a whole day’s work, pupunta dito, nagche-check,” sabi ni Balita sa live Facebook post at pinuri ang alkalde na araw-araw, kahit hatinggabi o madaling araw, iniinspeksiyon ang mga ospital at pasilidad ng vaccination sites sa siyudad.

Dahil sa nakikitang malasakit, marami sa netizen ang nagpapadala ng pagkain bilang suporta kay Yorme Isko at sa mga kawani ng city hall na isang paraan ng pasasalamat sa mapusong malasakit sa kalusugan ng masang Pilipino.

“Tapos yung mga tao dito nagdadala ng kung ano-anong food kasi yung mga nakapila, kung minsan, nagugutom, nauuhaw, meron tayo. Masaya. Imagine, maliliit na bagay. Alam niyo sa buhay, yung maliliit na bagay, yun ang importante,” sabi ni Balita, na kandidatong senador ng Aksyon Demokratiko.

Sabi pa ni Balita, kahit noong di pa tumatakbong pangulo si Yorme, totoong matulungin na ito at may ginintuang puso sa pagtulong sa mga nangangailangan.

Ikinuwento ni Balita, isang lisensiyadong nars at nagpapaanak na agad na tumulong si Isko sa operasyon ng pitong-buwan sanggol na may sakit na Biliary Atresia.

Kailangan ni Kal-el Sumalpong ang madaliang liver transplant kaya nilapitan niya si Yorme Isko – noon ay bise alkalde.



P2.5 milyon ang gastos sa operasyon at P500,000 lamang ang hawak na pera ni Dr. Balita, at noon din, nagbigay ng P2-milyon si Isko bilang tulong.

Si Kal-el ay isa sa 20 bata na ipinanganak na may sakit na Biliary Atresia na ipinadala noon ni Vice Mayor Isko sa Taiwan para sa liver transplant surgery.

Hindi na iyon ibinalita dahil ayaw ni Moreno na ipagyabang pa ang mga ginawang tulong sa mahihirap na tao.

Ang kabutihang loob ni Yorme Isko, sabi ni Balita, ang dahilan kaya hindi siya makatanggi nang tawagan siya na tumakbong senador sa Team Isko.

“… hindi ako makatanggi kasi alam ko ang laman ng puso nito (Yorme Isko) na maglingkod. Tingnan n’yo naman andun lang siya nakaupo, nagkakape, kumakain ng pandesal,” sabi ni Balita.

Sa patuloy na pagdami ng tinatamaan ng Omicron variant, patuloy ang pagkumbinsi ni Yorme sa mga pamilyang Pilipino na agad na magpabakuna.

Ang mga bakunado, hinihikayat din ng alkalde na tumanggap ng booster shots sa maraming vaccination sites sa Maynila.

Nagpaalaala si Yorme Isko na mas paniwalaan ang Siyensiya kaysa sa ‘Marites’ (tsismis) na ikinakalat ng mga kontra sa bakuna.

“Kahit taga-saan kayo, when you come, we will be here. Go get yourself vaccinated. Get your booster,”sabi ni Balita sa kanyang Facebook post.