Advertisers

Advertisers

PBBM, nagbabala sa mangungurakot ng pondo para sa mga nasalanta ng kalamidad

0 32

Advertisers

LANTARANG nagbabala si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na haharap sa buong puwersa ng batas ang sinumang mag-aabuso o magpapakasasa sa pondong nakalaan para sa mga nasalanta ng kalamidad.

Ito ang mensahe ni PBBM sa mga opisyal ng local government units (LGUs) sa ceremonial turnover ng pondo sa ilalim ng Disaster Rehabilitation and Reconstruction Assistance (DRRA) Program.

Aabot sa 8.5 bilyong piso ang inilaan ng pamahalaan para sa mga LGU na naapektuhan ng mga kalamidad mula 2024 hanggang 2026, batay sa kanilang pangangailangan.



Binigyang-diin ng Pangulo na pera ito ng taumbayan na dapat mapunta sa mga biktima ng kalamidad at hindi dapat gamitin para sa pansariling interes.

Mahigpit ding ipinag-utos ni Pangulong Marcos na bawal ang ghost projects, komisyon at paggamit ng mga substandard na materyales sa mga proyekto.



Kasabay nito, hinimok naman ni Marcos ang mga lokal na opisyal na maging tapat sa paglilingkod at tiyaking maayos na nakararating sa mga nangangailangan ang tulong ng pamahalaan. (Gilbert Perdez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">