Advertisers
Ni WALLY PERALTA
HAPPY si Kylie Padilla ngayon dahil balik paggawa na ulit siya ng serye, matapos ang halos ilang taon na pananahimik.
Kakaiba ang role ni Kylie at never pa niyang naranasanan ang maglaro ng billiard. Sa “Bolera” ay isang billiard genius ang role ni Kylie at makakasama niya rito sina Rayver Cruz, Jaclyn Jose, Gardo Versoza at Joey Marquez.
Itinuturing ni Kylie na balik-tambalan din nila ito ni Rayver, kung matatandaan ay nagsama na ang dalawa sa isang project ilang taon na rin ang nakalilipas.
“Nakaka-excite kasi okay kasama si Rayver, e. Masayang tao rin naman siya. Hindi ba kapag ganyan, matagal-tagal mong makakasama ‘yung tao so kailangan jive kayo,” say ni Kylie.
At para maka-relate sa kanyang bagong role ay talagang nag-aral pa si Kylie ng larong billiard and take note hindi lang basta-basta ang kanyang coaches at trainers, dalawa lang naman sa pinakamahusay na Pinoy billiards player na sina Billiards World Champion at National Team Member Johann Chua at professional billiards player Geona Gregorio. Kumusta naman kaya ang first few days ng kanyang pag-aaral ng billard?
Hindi naman kaya siya nahirapan?
“To be really honest never pa ako nag-billiards, hindi ko siya ma-grasp. But when I did lessons parang nagkaroon ako ng confidence na kaya ko pala with the right teachers,” dagdag na say ni Kylie.
***
ISA sa maituturing na malaking factor kung bakit napasama ang Kapuso hunk actor na si David Licauco sa ‘Mano Po Legacy: The Family Fortune’ ay dahil isa siya sa mga young actor na may dugong Tsino at knows naman na ang Mano Po project ay may kaugnayan sa kultura at galawang Tsinoy. Kaya nang ialok kay David ay agad naman niya ito tinanggap without knowing na sasabak pala siya sa matinding drama kasama ang mga magagaling nating aktres tulad nina Maricel Laxa at Sunshine Cruz.
“To my surprise sa sarili ko, na-e-enjoy ko talaga ‘yung dramatic scenes. Hindi ko talaga in-expect sa sarili ko. Hindi ko in-expect na kaya ko. Mas nagulat ako na na-enjoy ko siya,” pahayag ni David.
Dahil sa hinasa talaga ang akting talent ni David, inenjoy na raw ito ng young Kapuso hunk actor to the point na gusto niyang maging isang John Lloyd Cruz in the making.
“Siguro if you asked me a year ago, I would say gusto kong maging aktor na kinakikiligan. Okay pa rin naman sa akin ‘yun, pero siguro gusto ko rin magkaroon ng mga parang John Lloyd Cruz type of teleserye or movie na romantic but at the same time, maraming drama,” dagdag na say pa rin ni David.