Advertisers
SIMULA sa Marso 1 ay puwede nang bumili ang Filipino basketball fans ng tickets para manood sa laban ng Gilas Pilipinas sa FIBA World Cup 2023.
I
to ang unang pagkakataon simula 1978 na ang Pilipinas ay mag host ng malaking event, kahati ang Indonesia at Japan.
Limitado ang passes na ibebenta para sa fans sa presyong 1,100, habang ang team passes ay ibebenta online sa pamamagitan ng FIBA’s official website mula Marso 1 to 31.
FOLLOW MY TEAM PASS-PHILIPPINES ay binubuo ng limang Gilas games sa elimination phase ng World Cup.
“The journey for the FIBA World Cup 2023 in Manila starts now,” Wika ni Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) president Al Panlilio.
“Be the first to support your Gilas team by purchasing the Follow My Team Pass-Philippines. Together, let’s win for all!”
Ang Araneta Colesium, Mall of Asia Arena, at ang Philippine Arena ang maging venue para sa World Cup games.
Ang Big Dome ang dating venue ng World Basketball Championship noong 1978, first time na ang Pilipinas nag host ng prestihiyosong paligsahan.
Para malaman ang huling balita at updates tungkol sa tickets para sa FIBA World Cup, mag rehistro sa https;/register worldcup.basketball.