Advertisers

Advertisers

Andi tagumpay ang balik-alindog program matapos manganak

0 378

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

IBINAHAGI ng actress-vlogger na si Andi Eigenmann ang journey nito para sa balik alindog program sa  kanyang socmed account.

After nga manganak nito sa ikatlong anak na si Koa ay napansin nito na tila lumobo siya.



At after ng 2 months na panganganak ay nagsimula na ito sa kanyang exercise na boxing.

Mismong ang mister naman nito na si Philmar Alipayo ang training coach nito sa kinahihiligan nitong boxing.

Sa pagpapatotoo ni Andi ay umabot sa 175 lbs ang kanyang timbang as in lumapad at bumigat ito.

Kaya nagtiyaga ito sa boxing routine na kanyang exercise.

Natuwa naman si Andi sa mga friend sa showbiz na talagang suportado ang journey ng aktres na maibalik ang kanyang alindog.



Sa pahayag ni Andi, nakuha naman sa tiyaga ang pagbabalik alindog program nito.

Ipinost din ng aktres ang kanyang larawan nung lumapad at tumaba ito after makapanganak sa ikatlong supling.

Sulit daw dahil sa kanyang boxing exercise ay nabawasan ito ng 50lbs dahil sa pagpapawis.

Bonggacious!

***

Heart Evangelista gulat sa ginawa ng fan

GULANTANG si Heart Evangelista sa ginawa ng kanyang solid fan.

Kahit nga si Heart ay gulat sa grabeng pagka solid at fanatic sa kanya ng nasabing fan.

Di nga maisip ni Heart na gagawin ito ng fan sa sarili.

At paano naman di masa-shock si Heart, mismong pangalan ng aktres ay itina-tattoo sa bahagi ng katawan ng tagahanga.

At ikinaloka pa ni Heart sa parte ng mukha nito sa may bandang panga nito ipina-tattoo ang namesung ng esmi ni Chiz Escudero.

Kahit si Heart ay di pa din makapaniwala at takang-taka na ang pangalan niya ay ipa-tattoo ng  fan sa parte ng mukha nito.

Well, well, well…’Yun na!