Advertisers
Ni BETH GELENA
DINGDONG Dantes is asking help na sa mga netizen na ireport ang fake linkedin account na gamit ang kanyang larawan.
Ani actor: “It has come to my attention that a fake Jose Sixto Dantes III @linkedin account with my photo, name and credentials has been actively responding to message and scheduling online and on-site meetings with individuals on my behalf.
“Please informed that the profile Jose Sixto Dantes III with over 400 connections on at @linkedin is not me nor is.it being handled by anyone I know.
“I am asking for your help to report the said account and to redirect your concerns to @hellodingdong.ph and/or info@yespinoy.org. if there are any,” ‘yan ang mahabang post ni Dong sa kanyang socmed.
Ayon naman sa concerned netizens.
“Maging mapanuri din sana mga tao. Lalo kung ganyan sikat na artista ang involve. Di basta basta nakikipag transact mga yan ng personal. At lagi naka announce mga ganap nila kaya double check maigi if legit.”
“Wala man lang verification, dapat pag ganyan lalo na business profiles may verification through sending valid id.”
May punto naman ang dalawang netizens.
Sa panahon ngayon ang mga taong mapanlinlang.
Dahil sa hirap ng buhay, hina-hack nila ang account ng mga artista.at gagamitin ang mga names para magawan nila nang hindi mabuti.
Talbog nga naman sa mga celebrities kapag nagkataon.
***
MARICEL GAGAWA NG TRANSGENDER MOVIE SA HOLLYWOOD
MAY gagawin umanong movie si Maricel Soriano na isang Hollywood project.
Isang transgender rom-com movie na isa siya sa mga bida kasama ang ilang Hollywood stars.
Walang nasabi ang mga fans ni Marya kundi “Inaaaay” dahil sa katuwaan.
Binati rin at kinungratuleyt si Maricel ng mga kaibigang beki.
“Congrats✨✨✨👏👏” at saka sinabihang “Taray” ang codename ng mahusay na aktres.
“Yes!!! Goodluck her talent deserves international recognition”
“She’s back. Inay! Nakaka-excite!”
“Arayyyy!!! May masasaktan!!!”
“Meron talaga! Pero I don’t think ipapaalam nya tunay na feelings nya.”
“Ay gurl, wag mong itrigger. Gagawa na namn un ng nobela.”
“True.. Dba di natuloy yung super press release na Hollywood kemerut nya. Baka in few days, magpopost.”
Mukhang hindi naman proud ang isang netizen sa.komento niyang ito, “Low budget or extra lang siya for sure.”
Pero, teka lang, sino naman kaya ang tinutukoy ng commenter na may masasaktan.
***
JOSHUA NAIIPIT KINA IVANA AT RIA
INIINTRIGA si Julia Barretto bilang girlfriend ni Gerald Anderson.
Bago raw kasi sila ng aktor ay apat na famous actresses ang naging jowa ng aktor — Kim Chiu, Maja Salvador, Sarah Geronimo at Bea Alonzo.
Hindi man daw naging maganda ang paghihiwalay ni Gerald sa apat na celebrities ay nakakita pa rin daw siya ng babaing mamahalin.
Iniintriga naman ng netizens na ang bagong girlfriend ni Gerald na si Julia ay hindi naging famous unlike other Barrettos nung kanilang heydays, especially ang kanyang dalawang tyahin na sina Gretchen at Claudine.
Bagama’t naging artista rin daw ang ina niyang si Marjorie hindi rin daw naman ito sumikat nang husto tulad niya.
Napagtripan namang isa-isahin ng netizens ang kasikatan ng apat na naging ex ni Gerald. Si Kim Chiu, grand winner ng PBB Teen Edition.
Agad na sumikat pati ang tandem nila ni Gerald na tinawag na Kimerald.
Nang lumaon ay nauwi sa real ang kanilang reel relationship.
Nagkahiwalay ang dalawa dahil nahuli ni Kim na nag-cheat umano ang aktor.
Sumunod ay si Maja. Hindi ma-take ni Kim na si Maja ang ipapalit ni Gerald sa kanya dahil magkaibigan sila.
Dahil doon ay nagkaroon ng iringan ang dalawang aktres.
Hindi rin naglaon ay nagkahiwalay din sina Maja at Gerald.
Ang sumunod na na-link kay Gerald ay si Sarah.
Nagsimulang ligawan ni Gerald ang singer-actress nang magsama sa sa ilang projects.
Wala namang nakapagpatotoo na naging girlfriend ni Gerald si Sarah bagkus sinabi ng singer na nanatili silang magkaibigan.
Next in line nga si Bea na na-ghosting umano ni Gerald dahil kay Julia.
Nagkakamabutihan daw sina Gerald at Julia nang nag-shoot sila ng pelikulang Between Maybes na ang location ay sa Japan.
Sa isa ngang interbyu kay Gerald, sinabi niyang si Julia na ang kanyang ‘the one.’
Well, kung hindi man gaanong famous actress si Julia nakalamang naman siya sa apat na famous actresses.
Imagine, ang ipagsigawan ng actor na siya ang the one, aba, ibang level yun.
Never itong sinabi ng aktor sa apat niyang ex.
***
IBINAHAGI ni Kathryn Bernardo ang larawan nila nina Daniel Padilla, Ria Atayde, Joshua Garcia at Alora Sasam kung saan nag-out of town ang magkakaibigan nitong weekend.
Nilagyan ito ni Kathryn ng caption na, “Why double-date when you can triple-date?! Also, my vote for the “Cutest Brunch Date” award goes to the girl in pink sweater. 💓👀 Hihihi”
Prior to Kathryn’s post, nagbahagi rin ng snaps shot si Joshua sa kanyang socmed.
Ang KathNiel at si Ria ay matagal nang magkakaibigan na tinawag nang Nguya Squad ang kanilang grupo.
Kare-recruit lang nila si Joshua na si Daniel ang humimok sa aktor na mag-join sa grupo nila.
Ang mapanuring mata naman ng netizenz ay nagtatanong, “bakit kapag kasama ng grupo si Ria hindi nawawala si Joshua?”
“Pina-partner ba nila ang dalawa?”
Isang netizen naman ang nagtanong, “Joshua sino ba kina Ria at Ivana Alawi ang type mong jowain?”