Advertisers
Ni GERRY OCAMPO
ITINANGGI ni Kris Aquino na nasa critical condition siya at umano ay susunod na kay former President Noynoy Aquino.
Ayaw tantanan ng mga TikToker si Kris na parang alam nila ang kondisyon ng sakit ng actress/TV host.
Kaya binuweltahan ni Kris na lalaban siya, “It`s been disturbing that since Friday, so many have been spreading fake news about me being either in St. Luke`s BGC or the States but always with the same theme, that I`m in the ICU and in critical condition .NONE OF THAT IS TRUE.
“Ayaw akong tigilan ng #fakenews and parang sobrang excited yung mga trolls na within 1 year both Noy and me would pass away.
“Sorry to disappoint pero buhay at lalaban pa na mapahaba ang oras ko because kuya josh & bimb still need me.
“To all my REAL friends who have gone out of their way to reach out send me food, fruits, flowers. Balloons and just so much na nahihiya na ko-because they want to make me feel their love & affection-you have my lifelong loyalty & gratitude,” bahagi ng post ni Kris
This time ay wala nang binanggit si Kris tungkol sa ex na si Mel Sarmiento. Ayon naman sa mga followers niya ay malamang na hindi na ito maka-shopping at makapunta sa barbero, matapos na ibunyag niya ang umano ay panggagamit sa yumao na.
Samantala, damang-dama ni Senator Bong Revilla ang dinadanas na hirap ni Kris. Awang-awa si Senator sa kanyang kumareng Kris.
Nagsimula ang pagiging close nina Kris at Bong nang magkaroon ng relasyon ang una kay Phillip Salvador.
Sabi ni Senator Bong. “Sa panahong ito na dumaranas tayo ng ating kanya-kanyang pagsubok, napakahalaga po ng pakikipag-kapwa tao at pagmamalasakit sa isa`t isa.”
“Get well soon Kris. Our prayers are with you.”
***
Masayang-masaya ang mga staff at employees ng San Lazaro Hospital at St Luke`s Gobal Hospital sa Taguig dahil sa ipinamahaging saku-sakong bigas ni Ms. Gretchen Barretto.
Truck-truck na sakong bigas ang idineliver sa San Lazaro last Friday at Last Sunday naman sa St. Luke`s Global. Hindi masasabihan si Gretchen na nangangampanya dahil hindi siya tumatakbo sa anumang posisyon sa darating na 2022 election. Dinaig pa niya ang mga tumatakbo na puro pangako ang ibinibigay.
Hindi pa tapos ang pamamahagi ng ayudang sakong bigas ni Gretchen dahil lahat ng staff and employees ng iba pang ospital ay nakatakda rin padalhan ng ayuda ng former sexy actress at Pantasya ng Bayan.
Kahit na galing pa sa sabong ang perang pinambili ng saku-sakong bigas ay buong pusong nagpapasalamat ang lahat ng pinadalhan ng biyaya o ayuda ni Gretchen. Kilala o hindi ay bukas palad na kanyang tutulungan hanggang sa abot ng kanyang makakaya.
Mabuhay ka Gretchen Barretto!