Advertisers

Advertisers

Dakilang mambubudol si Yorme

0 333

Advertisers

SI Manila Mayor Isko Moreno daw ang nag-stand out sa mga presidentiables sa nakaraang panayam ng The Jessica Soho Presidential Interviews.

Naku, 100 percent. hinde tayo sang-ayon dito mga katoto, dahil kung susuriin ang mga pinagsasabi ni Yorme sa telebisyon halatang walang senseridad sa kanyang mga sagot, populist lang.

In short binubudol-budol lang ni yorme ang publiko!



***

SABI ni yorme, hinog na daw siya sa pagseserbisyo sa loob ng 24 years in public service. Susmaryosep! kung susuriin lamang ninyo ang mahabang taon na ito, quantity at hindi quality ang 24 taon niya sa gobyerno.

Mula ng maging city councilor sa loob ng 9 taon at vice mayor ng 9 taon uli, sige, may nabalitaan ba kayo accomplishment niya?

Wala, wala at wala!

IN 24 YEARS, WALANG
TRACK RECORD SI YORME



BALIKAN natin ang kanyang track record kung meron, nang maging konsehal ito (Tundo) noong 1998 hanggang 2007, si Councilor Moreno ang numero uno absenero sa city council, walang naipasa ni isa resolution o ordinansa sa Konseho.

Nang mahalal naman bilang Vice Mayor noong 2007 hanggang 2016, si Vice Mayor Moreno ay walang naitala malinaw na accomplishment sa konseho

Maliban sa pagiging pabida sa loob ng session hall!

***

MULA naman sa pagkatalo sa pagka-senador noong 2016, ini-appoint ito ng Pangulong Duterte bilang Chairman at chief executive officer ng North Luzon Railways (Northrail) noong July 12, 2017.

Pero halos apat na buwan pa lamang sa puwesto noong Oktubre 2017, nagbitiw ito sa hindi malamang dahilan.

Ni isang bakal ng riles, walang naipagawa ito!

***

HETO pa noong May 8, 2018, kahit batid ang katamaran ni Isko sa public service, muli syang ini-appoint ng Pangulong Duterte bilang undersecretary ng DSWD.

Alam na ng marami na gagamitin lamang ni Isko ang tanggapan upang i-promote ang sarili at paghahanda sa 2019 mid-term election.

Pero deny to death si Isko dito!

***

SA pahayag ni Isko sa media matapos ang oathtaking noon sa Malacanang wala umano syang balak tumakbo sa 2019 election.

I-quote natin ang kanyang sinabi na inilabas ng Philippine News Agency (PNA), isang state-run news agency.

“Moreno says, he had no plans to run as Manila Mayor next year (2019).”

***

NGUNIT, limang buwan pa lamang sa puwesto, noong Oktibre 11, 2019 nagbitiw na naman ito sa DSWD ang dahilan — para tumakbo Mayor ng Maynila.

Hindi ba’t ni wala tayong narinig na major accomplishment nito sa city hall hanggang sa pinamunuang Northrail at DSWD, tapos nagbabalak pa maging Pangulo ng bansa?!

Ngayon, sabhin mo sa akin, magpapa-budol ka ba uli kay yorme?!

MABUHAY ANG IKA-121 ANIBERSARYO NG MANILA POLICE DISTRICT (MPD)

IPINAABOT ni Manila Mayoral Candidate Atty Alex Lopez ang pagbati sa ika-121 founding anniversary ng Manila Police District (MPD) sa mga awardees lalo na sa Police Station of the Year ang Sta. Ana Police.

Naniniwala si Atty. Lopez sa kakayahan at kagitingan ng pulis Maynila lalo na sa liberato ni MPD Director Leo Francisco.

A gentleman and an officer!

***

AYON kay Atty. Lopez, kung papalarin magwagi bilang Alkalde ng Maynila sa Mayo 9, mga sopistikadong kagamitan ang kanyang ipagagamit sa kapulisan, pagpapalakas ng CCTV monitoring at iba pa para mapanatili ang law and order sa Lungsod.

Aniya, kailangan sumabay sa teknolohiya ang law enforcers dahil gumagamit na rin ng teknolohiya ang mga kriminal.

Tama! ‘da best ka talaga Atty. Alex!

(Ang Parating na ang Pagbabago ay lumalabas tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes at mababasa rin sa digital platform ng policefilestonite.net)