Advertisers
NAGBANTA si Pangulong Rodrigo Duterte na papangalan niya ang pinaka-corrupt na kandidato sa pagkapangulo bago dumating ang 2022 election.
Ayon sa pangulo, obligasyon niyang ipaalam sa mga Pilipino ang mga bagay na alam niyang makakatulong sa kanilang pipiliing presidente.
Aniya, ang kaniyang hakbang ay hindi isang uri ng pamumulitika bagkus ay ipinaalam lamang niya sa publiko ang nalalaman batay sa mga impormasyong natanggap at sa sariling karanasan.
Giit pa ng pangulo, bahala na ang mga botante na humusga kung totoo o hindi ang kaniyang ibunbunyag.
Welcome naman para sa ilang presidential aspirants ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na may papangalanan siyang pinaka-corrupt na presidential candidate bago ang May 9 elections.
Ayon kay Vice President Leni Robredo, basta’t totoo ay makatutulong ito sa tao upang mas makilala pa ang mga kandidato.
Para naman kay Senator Manny Pacquiao, karapatan ni Pangulong Dutuerte na pangalanan ang sinumang kandidatong sa tingin niya ay “unfit” at corrupt at naniniwala siyang hindi siya ang tinutukoy rito.
Sinabi naman ng kampo ni Partido Reporma standard bearer Senator Panfilo Lacson na magiging basehan para sa pagsasampa ng kaso ang alegasyon ng pangulo kung mapapatunayan ito sa pamamagitan ng mga ebidensiya.
Samantala, iginiit ni Manila Mayor Isko Moreno na ipapaubaya na niya sa mga tao ang pasya kung maniniwala sila o hindi sa isisiwalat ng pangulo.
Subaybayan natin!
***
Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon mag-email lang sa balyador69@gmail.com.
Ugaliing makinig sa programang “BALYADOR” at “WALANG PERSONALAN TRABAHO LANG” mula lunes hanggang linggo 11:00am-12:00noon sa RADYO NG MASA entertainment net radio. tuwing sabado at linggo 12:00nn-12:30pm sa DWBL 1242 kHz am band, tuwing martes 9:30am RADYO NATIN 105.3 FM Pinamalayan,10:00am RADYO NATIN 102.9 FM Victoria, tuwing biyernes 9;00-10;00am 98.9 FM RADYO NATIN Roxas, tuwing huwebes 9:00-10:00am sa 96.9 FM RADYO NATIN Calapan City at tuwing Biyernes 8:00-9:00am at Sunday 12:00nn-1:00pm sa DWXR 101.7 FM Mapapanood live streaming at Youtube chanel.