Advertisers
Ni WALLY PERALTA
BEYOND those bubbly smile at saya sa aura ni Ruru Madrid sa tuwing mapapanood siya sa ‘All Out Sunday’ ay sinong mag-aakalang nagkaroon pala siya ng depression noong kasagsagan ng pandemya sa bansa at nag-isip na iwan na ang showbiz dahil sa lungkot na nadama noong mga oras na iyon.
Naging malaking factor ng kalungkutan ni Ruru ay ang paudlot-udlot ng masasabing launching serye niyang “Lolong”. Palagi itong nahihinto kahit napakalaki na ang nagastos sa mga naunang tapings nito. Dahil mabusisi at mahigpit ang health protocol ay nahinto noon ang tapings nila sa Lolong.
Dito nga magsimulang mag-isip si Ruru at madismaya sa nangyayari takbo ng paggawa ng ‘Lolong’, nandung naisip niya na hindi na ito matutuloy at malabo na raw maipalabas pa, as in mashe-shelve na ito.
“To be honest, last year 2021, it’s not a good year for me. Ang dami kong pinagdaanan na mga challenges. Umabot sa point na medyo na depress ako, nawalan ako ng drive, ng passion,” say ni Ruru.
Umabot pa nga sa puntong gusto na niyang iwan ang showbiz.
“Ang serye na ‘Lolong’ kasi I’ve been waiting for this project since 2019, lagi ko nga po nake-kwento sa inyo na sobra kong nag-wo-work out, kahit puyat ako nag-wo-work out ako, nagda-diet ako, nagre-research ako about my character but dahil nga siguro sa mga delays or dahil na rin siguro sa pandemic lagi po kaming nade-delay, lagi po kaming naka-cancel.
“So, umabot sa point na parang baka hindi ito talaga yung bagay na para sa akin, baka hindi ito ‘yung propesyon na para sa ‘kin, maybe kailangan ko bumalik ng pag-aaral para hanapin na yung bagong propesyon na ‘yun. Dumating na ko sa point na ganun.”
“But then, I realized andami ko na pinagdaanan, I started when I was 14. When I was still a kid na wala ko iba iniisip kundi mag-enjoy and I was a dreamer before. But right now, dahil lang sa mga ganitong pangyayari, nawawalan ako ng pag-asa hindi dapat mangyari ‘yun. Pinilit ko yung sarili ko makabangon from sa baba talaga dahil papaano naman yung mga taong naniniwala sa akin,” dagdag na say pa ni Ruru.
***
BALIK sigla na muli ang karir ng magaling na aktor na si Sid Lucero, mapapanood na muli siya sa mga show sa Kapuso Network at lagare rin sa mga pelikulang ginagawa under Viva Films.
Una na rito ang katatapos lang na ‘Reroute’ at sinundan naman ng isa pang sexy drama movie na “Silip Sa Apoy”. Kapwa lead actor si Sid sa naturang dalawang movie pero sa “Silip Sa Apoy” na streaming na sa Vivamax starting January 28 ay si Sid lang ang masasabing most experienced member of the cast as Angeli Khang, Paolo Gumabao and Jela Cuenca, are all newbies in showbiz.
“Just keep an open mind because there’s always something new to learn. I know I’m supporting newcomers in ‘Silip sa Apoy’ and I’m here to help usher them to get to know the industry better.
“That’s my purpose and I am here to support them on and off cam. You ask our director, Mac Alejandre, and he will tell you na magagaling sila,” say ni Sid.
Gayunman, hindi rin itinago ni Sid ang paghanga sa kanyang co-actors na baguhan. Preparado raw ang mga ito pagdating sa harap ng kamera. Pinaghandaan at minemorya nang husto ang kanilang mga linya.
“Wala nga kaming take two, e. Kung meron man, it’s because of me, kasi kung minsan nabubulol ako in delivering my lines,” dagdag na say ni Sid.