Advertisers

Advertisers

Seth mas pinili si Andrea kay Francine

0 279

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

SA idinaos na benefit show ng Kapamilya network para sa  mga biktima ng typhoon Odette, naging panauhin sina Seth Fedelin, Joao Constancia, Jameson Blake at Jeremy Glinoga.

Sa nasabing show, naurot ang apat kung paano ii-emote ang pagbati nila sa kanilang significant other o kung paano sila mag-video call via hello o good night kiss.



Nagpaunlak naman ang apat at nagpasampol ng istilo ng kanilang panunuyo sa isang girl.

Pero na-curious naman ang lahat sa style ni Seth nang may binanggit pa itong mahal sa kanyang pag-eemote.



Nausisa tuloy si Seth kung sino ang mahal na tinutukoy niya pero isang pilyong ngiti lamang ang kanyang iginanti.

Tungkol naman sa  loveteam nila ni Andrea Brillantes, marami namang SethDrea ang kinilig sa kanyang naging mensahe.



Aniya, “Sethdrea will conquer the world” na ikinatuwa naman ng kanilang mga faney.

Dahil dito, may nagpapalagay na ang ibig tumbukin ni Seth ay between Andrea at Francine Diaz, ang original love team partner pa rin ang pipiliin niya.

Kaugnay dito, usap-usapan naman ang umanoý hanash ni Blythe (Andrea) sa kanyang Instagram na nakasakay siya sa jetski at kumakanta ng “Only Love Can Hurt Like This.”

Hirit tuloy ng mga katkatera, hindi raw kaya love na ni Andrea si Seth at nahulog na ang loob niya sa binata.

Maaaring ito rin daw ang dahilan kaya nagseselos siya kay Francine nang sighted noon  ang huli with Seth sa isang okasyon.

Sey naman ng ilan, ayaw daw kumawala pa ni Seth kay Andrea dahil may ginagawa pa silang serye sa kasalukuyan.

Nakatakda rin silang magsama sa isang musical series na join sa cast sina Darren Espanto at AC Bonifacio.