Advertisers

Advertisers

NONO LIN, 4 PA SA PHARMALLY SCAM ARESTUHIN – SENADO

0 107

Advertisers

PINATAWAN ng contempt ng Senate blue ribbon committee at ipinag-utos ang agarang pag-aresto kay Rose Nono Lin at apat pang personalidad dahil sa ilang ulit na pag-iwas na dumalo sa pagdinig ng Senado tungkol sa Pharmally scandal nitong Huwebes.

Si Nono-Lin ay kasalukuyang tumatakbo bilang kongresista ng Quezon City at ilang beses nang namataan na umiikot para mangampanya, ngunit hindi dumadalo sa imbestigasyon.

Bukod kay Nono-Lin, pinatawan din ng contempt sina Gerald Cruz, Jayson Uson, Sophia Custodio, at Dennis Manalastas.



“Kaya kung hindi din sisipot si Nono-Lin, ang gusto ko ay mag-file tayo ng motion to arrest at papuntahin ‘yan because she refuses to attend the hearing here,” pahayag ni committee chair Senador Richard Gordon matapos na magpositibo sa Covid-19 ang chief financial officer ng Pharmally Biological Company.

Ang Pharmally Biological Company ang parent company ng Pharmally Pharmaceutical Corp..

Sinegundahan naman ni Senador Franklin Drilon ang naging mosyon ni Gordon.

“I concur with your observations of the chairman and that indeed these witnesses have shown disrespect to the process of the committee. Appropriate letters have been issued to them, inviting them to appear. We have subpoenas, I assume,” paliwanag ni Drilon.

“They have totally disregarded the processes of this committee and I second the motion of the chairman to enforce the rules of the blue ribbon committee, and I second the motion to declare these persons in contempt,” dagdag pa ni Drilon.

Ipinaalala naman ni Gordon na kasalukuyan pang naka-contempt si dating Procurement Service of the Department of Budget and Management Undersecretary Lloyd Christopher Lao.



Batay sa mga imbestigasyon ng Senado, nakuha ng Pharmally ang mga deal ng gobyerno na nagkakahalaga ng bilyun-bilyong piso para sa iba’t ibang medical supplies sa kabila ng pagkakaroon ng lamang nito ng paid-up capital na P625,000.

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More