Advertisers

Advertisers

SENS. ROBIN, IMEE PINASARINGAN NG MALAKANYANG

0 10

Advertisers

DAPAT isaalang-alang ang interes ng lahat ng Pilipino sa anumang hakbang na may kaugnayan sa International Criminal Court (ICC) kasunod ng resolusyon nina Senators Robinhood Padilla at Imee Marcos.

Sa naturang resolusyon, hinimok ng dalawang senador ang ehekutibo na agad itigil ang lahat ng pakikipagtulungan sa ICC at gamitin ang lahat ng posibleng paraan upang maiuwi sa Pilipinas si dating Pangulo Rodrigo Duterte.

Bilang tugon, sinabi ni Palace Press Officer at Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Claire Castro na hindi lamang si Duterte at ang kanyang mga kasamahan ang dapat isaalang-alang ng mga halal na opisyal ng pamahalaan.



Ayon kay Castro, ang pangunahing tungkulin ng mga senador ay paglingkuran ang buong sambayanang Pilipino at hindi lamang ang isang dating pangulo o ang mga taong iniuugnay sa mga kasong extrajudicial killings (EJK).

Bukod dito, ipinaalala rin ng Palace official na may mga biktima ng karumal-dumal na pagpatay noong administrasyon ni Duterte na patuloy na naghahanap ng katarungan.



Binigyang-diin ni Castro na hindi dapat idamay ang buong bansa sa anumang paninindigan na nakatuon lamang sa kapakanan ng isang tao o grupo.

Dagdag pa ng opisyal, ang tunay na katahimikan at pag-unlad ay makakamit sa pamamagitan ng katarungan at hindi sa pagtatakip sa mga pagkakasalang dapat panagutin. (Gilbert Perdez/Vanz Fernandez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">